INILABAS kamakailan ng Sandiganbayan Fourth Division ang desisyon sa kanilang hawak na kasong PLUNDER laban kina pork barrel queen JANET LIM-NAPOLES at Masbate Governor Rizalina Leachon-Lañete.
Ang desisyon? “Wherefore, considering that there is a finding that the evidence of guilt of accused Lañete and Napoles is not strong for reasons above…bail granted…”
PUNYETANG batas talaga meron sa ating bansa. ‘Yun bang kapag mapera ka at malaki ang kakayahang magbayad, maabswelto!
Pwede ba, mga abogadong matalino cum matino at mga may respeto pang natitira na mga Hukom, mayroon bang bail o piyansa ang kasong PLUNDER o MALALANG KORAPSYON?
Kung sinasabi na mahina ang ebidensiya na inihain ng estado laban kina Lañete at Napoles, eh ‘di ganundin sa mga ipinakulong ng rehimeng Aquino tulad nina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay dapat walang kaso? Mahina sabi ng Sandiganbayan, eh!
Ang dapat palang ipakulong ay ang mga whistleblower sa pangunguna ng yumaman ding tauhan ni Napoles, si BENHUR LUY, et al.
‘Yun na nga ang matindi. Sa listahan ni Janet Napoles, mas marami ang mga sangkot na kongresista’t senador na kaalyado ng rehimeng Aquino, mas malaki at malala ang naibulsang pondo, ni isa, walang kinasuhan at lalong walang ipinakulong! Iyan ang hustisya sa rehimeng inutil sa kasalukuyan!
Hindi nagkamali ang mga nag-akusa kina LP President BS Aquino at kanyang mga tauhan na sadyang kilala nila ang reyna ng pork barrel.
Maaalala kung papaano binigyan ng matinding seguridad noon ng Malacañan si Napoles para matiyak daw na ligtas ito kaninoman.
Si Mar Roxas pa nga ang naghatid kay Napoles sa tanggapan ng Pambansang Pulisya noon at mismong si Alan Purisima at matataas na opisyal ang sumalubong kay Napoles at mga tao ng Malacañan.
Tama, hindi ba Atty. Ed Lacierda? You secured her!
Nang magulo ang pansitan sa Malacañan, bomba agad ay ipinakulong ang tatlong kalaban na senador.
Alam ni senatorial candidate kung sino ang kapural ng kawalanghiyaan at pambabastos sa batas natin.
Mas masahol nga kung susukatin ang bagsik ng martial law noon.
Bagaman hindi pa nakalaya nang lubos si Ms. Napoles, nakalaya naman si Governor Lañete matapos magpiyansa ng P850-libo sa korte.
Wow na piyansa pero nabayaran niya ng ganoon na lang. Sobrang yaman pala ni Gob? At si Napoles, katiting lang ang piyansa ni Lañete, kahit milyon-milyon pa, kayang-kaya ni Napoles ang piyansa.
Pero ang tanong pa rin, kailan pa nagkaroon ng piyansa ang kasong PLUNDER? Nyeta!!! BALETODO/ED VERZOLA
