SA mga pahayagan at social media, napakatindi ang ginagawang paninira kay Mayor Oca Malapitan ng kanyang mga kalaban sa pulitika.
Pero gaano man kantindi ang paninira, wa-epek lang ito dahil “muling mananalo si Oca”, yan ang forcecast ng mga political expert.
‘Hitik daw sa bunga’ na ang ibig pakahulugan ng mga eksperto ay ‘mabango sa tao’ ang butihing alkalde kaya’t ito’y binabato.
Ang paninira sa malakas na kandidato ay itinuturing na ‘desperate act’ ng isang mahina at desperadong kalabang politiko.
Para magalit ang taumbayan, si Mayor Oca ay binabato ng kung ano-anong mga akusasyon ng kanyang desperadong katunggali.
Pero may kasabihang ‘You can’t put a good man down’ na ayon pa sa political experts ay naglalarawan kay Mayor Oca.
Sa rami ng naging accomplishment sa nakaraang tatlong taon bilang 1st termer mayor, nakuha na ni Oca ang loob ng puso ng Caloocanians.
Walang naging mayor ng Caloocan ang nagawang magkaroon ng dalawang gusali ng University of Caloocan kundi si Oca lang.
Walang naging alkalde ng lungsod na nakapagpagawa ng napakaraming iba’t ibang imprastraktura kundi si Oca lamang.
Walang naging mayor sa Caloocan na nakapagpa-ayos ng kilo-kilometro ng maraming kalsada sa lungsod kundi si Oca.
Walang naging alkalde na nakapagpagawa ng modernong sport center at covered courts kundi si Mayor Oca lang.
Sa kasaysayan ng Caloocan, ngayon lang nagliwanag ang bawat sulok ng mga barangay dahil sa ‘pailaw program’ ni Mayor Oca. At ito ang matindi – si Oca ang punong lungsod na nakapagpapagawa ng state of the art na bagong Caloocan city Hall.
Dahil sa mga kapuri-puring achievement nito, aba’y magsasayang lang daw ang kanilang ginagastos sa paninira kay Mayor Oca.
Dahil sa May 9 election ay tiyak na si Oca pa rin, ‘yan ang matinding forcecast ng mga sumusubaybay ng pulitika sa Kankalo.
Musika ito sa tenga ng mga maka-Oca, pero sa iba pang tumatakbong alkalde ng Caloocan, aba’y tunog ito ng pinupunit na yero. CHOKEPOINT/BONG PADUA