Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA NBI LAWYER MAHINA ANG ULO?

$
0
0

HINDI pala lahat ng abogado ay matalino. Marami rin pala ang mahihina ang ulo at bobo sa pag-interpret ng batas lalo na sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ang dapat sana’y mga bihasa sa pag-intindi ng batas para maayos na maipatupad, ito ay tila mangmang sa pag-interpret nito.

Isang halimbawa nito ang tungkol sa “live video streaming” sa internet ng sabong sa loob ng isang cockfighting arena.

Alam naman natinG ang sabong sa cockfighting arena ay ligal dahil ito ay idineklarang National pastime, ayon na rin sa isang President Decree.

Pero ayon sa NBI, ang pag-video ng sabong sa loob ng sabungan at pagpapalabas nito sa internet ay iligal dahil labag ito sa gaming act ng bansa.

Dagdag pa ng NBI, kahit ito ay hindi napanonood sa bansa dahil hindi mabuksan ang website nito ay iligal pa rin daw?

Ang tanong ngayon sa mga magagaling na agent at kay Director Mendez ng NBI, may jurisdiction pa ba ang NBI “if the crime was committed in another country and there are no Filipino victims”?

Sabihin na nating iligal nga ang video streaming, kahit hindi naman at ito ay napanonood lang sa ibang bansa may jurisdiction pa rin ba ang ating batas dito? O may karapatan ba ang NBI na hulihin ito kahit walang nagrereklamong biktima o maging sa ibang bansa?

Hindi po ako abogado pero mukhang nagkaroon ng “grave abuse of discretion” ang mga tauhan ninyo, Director Mendez.

O baka naman alam ng mga agent ang batas na ito pero nagbulag-bulagan dahil ang nagrereklamo ay isang kilalang gambling lord dito sa bansa at ang gusto niya ay siya lang ang may karapatan sa “live video streaming”?

Maliit lang ang kompanya na hinuli ng NBI at nag-uumpisa pa lang sa video streaming ng iba’t ibang sports events sa bansa na pinalalabas sa internet pero walang habag na pinatos pa rin ng naturang ahensiya.

Hindi tuloy maiwasang mag-isip ng masama ng ilan na maaaring nabayaran ang NBI ng gambling lord na ito para gawin ang hindi tama?

Abangan kung sino ang gambling lord na ito na sinasabing may koneksyon sa lahat ng sangay ng pamahalaan kabilang na ang mga korte. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>