Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MARAMING MAGAGAWA SA SENADO SI CONG. WIN

$
0
0

NASA huling yugto na ang kampanya ng mga kandidato na tumatakbo para sa iba’t ibang posisyon kaugnay ng darating na halalan sa Mayo 9.

Kaya naman mahigpit na rin ang pagbabantay ng mga kandidato lalo na iyong tumatakbo sa mga national position kasama na ang mga senador sa mga resulta ng iba’t ibang survey na isinasagawa ng mga pollster.

Napag-uusapan na rin lang ang survey ay kapansin-pansin na habang papalapit ang eleksyon ay siya ring pagsipa sa ratings ni Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian na tumatakbo sa ilalim ng Partido Galing at Puso ni Sen. Grace Poe.

Ibig-sabihin ng pag-angat niya sa mga survey ay tumatatak sa isipan ng publiko ang mga mensaheng ipinararating niya patungkol sa mga programang isusulong niya sakaling palarin siyang mahalal sa senado.

Sa totoo lang ay maraming mga political observer ang nagsasabi at umaamin na mas may karapatan si Cong. Win na mahalal bilang senador kumpara sa ibang mga katunggali niya na kung isalarawan nila ay mga “sampay-bakod” na senatoriable.

Kahit kasi bata pa si Cong. Win kumpara sa ibang kandidato ay hindi siya masasabing bagito sapagkat bitbit niya ang 15 taong karanasan sa pagiging lingkod-bayan.

Una siyang naging kongresista ng Valenzuela City noong 2001 bago nahalal bilang mayor ng nasabing lungsod noong 2004 at nanungkulan hanggang noong 2013.

Pagkatapos ng kanyang termino ay tumakbo naman siyang kongresista at muling nahalal na sa puwesto.

Sa panahon ng panunungkulan niya bilang mayor ay ilang beses nakopo ng Valenzuela City ang Galing Pook Award na isa sa pinakamimithing parangal ng bawat isang local chief executive dahil patunay ito ng maayos at mahusay na pamamahala.

Isa sa mga pangunahing adbokasiya ni Cong. Win ang pagpapalawak ng libre subalit mataas na kalidad ng edukasyon dahil ito ang nakikita niyang solusyon sa kahirapan, kaya ipinanukala niya ang “Free Higher Education Act” at iba pang mga batas na may kaugnayan dito.

Aktibo rin siya sa pagsugpo ng korapsyon sa pamahalaan at kabilang sa legislative agenda niya ay pigilan ang mataas na presyo ng mga bilihin, lutasin ang suliranin sa mababang suweldo at ‘underemployment’ na may malaki at direktang epekto sa mahihirap na pamilya.

Kaya naman maraming tao ang nanininiwala na kailangang mahalal sa senado si Cong. Win sapagkat alam nilang marami siyang magagawa roon para sa ikabubuti ng bansa at ng taumbayan.

Sa puntong ito ay masasabi ko na kumbinsido rin ako na kailangang mailuklok sa senado si Cong. Win sapagkat isa siyang mahusay na lider na walang bahid ng katiwalian at ang mga katulad niya ang lubhang kailangan ng ating bansa sa mga panahong ito. OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>