Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUPORTA SA MAGSASAKA AT MATUWID NA DAAN

$
0
0

HANGGANG kailan at saan talaga ang suporta na ibibigay ng pamahalaang nasyunal at lokal sa mga nagugutom at naghihirap na biktima ng El Niño?

At ano-ano ang mga bumubuo ng naturang suporta at kanino ba talaga napupunta ang ayuda?

HIRAP AT GUTOM

Ayon sa Department of Social Welfare and Development-Region 10 na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Camiguin, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Bukidnon at Misamis Occidental, nakatanggap na ang nasa 11,000 magsasakang biktima ng tagtuyot at El Niño ng ayudang bigas.

Inunang bigyan ang mga lalawigan, munisipyo at barangay na sakop ng mga deklarasyon ng state of calamity sa 10 lungsod at munisipyo.

Nasa 13,292 magsasaka rin sa Bukidnon ang bibigyan nito ng bigas sa loob ng isang linggo.

Tiyak din umano nilang pagbibigyan ng bigas kahit ang mga lugar na walang deklarasyon ng state of calamity basta apektado talaga ang mga ito ng El Niño at tagtuyot nananalasa na sa mga ito ang gutom at hirap.

Maganda at umaksyon ang sangay ng DSWD na ito.

HANGGANG ANIHAN?

Bagama’t magandang balita ang nasa itaas, mahalagang katanungan kung hanggang saan at kailan ang ayudang ibinibigay ng DSWD dahil ang pagiging biktima ng nabanggit na masamang kalikasan ay nagsimula pa bago ang Kapaskuhan at tumindi sa mga buwang ito na tag-init.

Nasiraan ng ani ang mga magsasaka sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo at kailangan nilang magsaka pagdating ng tag-ulan, halimbawa, sa Hunyo-Agosto. At magkakaroon lang sila ng ani tatlo-apat na buwan makaraan ang pagtatanim.

Nasaan ang kumpletong ayuda ng DSWD kung bigas ang pag-uusapan?

WALANG MULA KAY PNOY

Pinakikinggan natin, mga bro, ang mga ulat ng mga mamamayan na biktima ng nasabing masamang kalikasan.

Ayon sa kanila, sinasabi ng mga taga-munisipyo at lungsod na walang dumarating na ayuda mula sa Malakanyang.

Kahit matagal nang sumulat ang mga pamahalaang lokal sa Malakanyang ukol sa kanilang kalagayan, kalakip ng paghiling ng tulong.

Karaniwan kasi na pobre, mga Bro, ang mga munisipyo at lungsod na pangunahing nabubuhay sa agrikultura at walang gaanong may nakatayong pabrika.

Kaya naman, kulang na kulang ang badyet ng mga ito para sa kalamidad, gaya ng pananalasa ng El Nino hanggang sa hindi maramdaman ng mga mamamayan ang tulong mula sa pamahalaan.

WALANG PATAWAD

May iba pang ahensiya ng pamahalaan na naatasang magbibigay-luwag sa mga biktima at nasa mandato ng mga ito ang gawaing ito.

Pero hindi rin gaanong nararamdaman ang mga ayuda mula sa mga ito. Halimbawa, ang Social Security System, Philhealth at Department of Education. Tuloy ang koleksyon ng mga ito ng mga kontribusyon at bibihira ang anunsyo na suspenyon sa pagbabayad ng kontribusyon.

Wala ring gaanong alok para sa pangungutang sa mga biktima bagama’t tuloy ang sahod na milyon-milyong piso ng mga matataas na opisyal ng mga ito, kasama ang kanilang mga consultant.

Pero ang walang patawad talaga ay ang pangungolekta ng buwis.

Ayaw makinig ang gobyerno sa minsang nang patakaran ng gobyerno noong panahon ni Mambo Magsaysay na “hindi baleng malugi ang gobyerno, huwag lang magutom ang tao.”

Mamamatay kasi ang gobyerno kung wala itong makokolektang buwis.

TANG DYNASTY

Nagsasaliksik tayo, mga Bro, sa mga gawaing gobyerno para sa pag-unlad ng buong bansa. Maganda ang ginawa ng Tang Dynasty sa Tsina noong unang panahon.

Hirap na mangolekta ng buwis at magkaroon magandang serbisyo publiko ang gobyerno noon. Kaya naisipan nitong pagbibigyan ng puhunan ang mga mamamayan upang mag-imbento para sa industriya, magsaka, mangisda, mag-aral at makipagkalakalan hindi lang sa loob ng kanilang bansa kundi sa mga Bombay at Turko.

Hayun, umunlad at naging edukdo ang mga mamayaan Tsinoa at dito na rin nakakolekta ng marami at malalaking buwis ang pamahalaan.

Sa atin, sa mahal kong Pinas, ito ba’y ginagawa ng ating pamahalaan? Kayo na ang sumagot, mga Bro.

TINIMBANG NGUNIT KULANG

Siyempre pa, panay ang anunsyo ng pamahalaan ng labis-labis ang ginagawa nito para umunlad ang Pinas at ang mga Filipino. At si Pangulong Noynoy mismo ay nagyayabang na walang makapapantay sa kanyang ginawa at ng kanyang administrasyon sabay hamon sa susunod na Pangulo na pantayan o higitan pa ang kanyang nagawa.

Matapos ang salita niyang ito sa mga kampanya para sa kanyang mga kandidato sa halalang 2016, bakit naging Zero ang iskor nito sa sarbey sa Metro Manila at bakit nagasibagsakaan kahit saan sa Pinas?

Lumalabas na tinimbang ngunit labis na nagkulang si PNoy, maging ang ipinangangalandakan nitong Matuwid na Daan.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>