Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NGAYONG NO. 1 NA SI LENI, HANDA NA RIN SIYA SA BATIKOS

$
0
0

NGAYONG pumalo na sa no. 1 si Liberal Party vice-presidentiable bet Cong. Leni Robredo ay handang-handa na rin siya sa mga black propaganda na ibabato sa kanya ng kanyang mga kalaban sa vice-presidentiable race pero, aniya, dapat daw ay ‘yung totoo lang ang ibinibintang laban sa kanya.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS Mobile Survey na ginawa noong April 14 sa labanan sa pagka-Bise Presidente, nakakuha siya ng 30% ng voter preference.

Hindi sukat akalain ng mga kalaban ni Leni na umangat ang rating niya at maging no. 1 siya sa pinakahuling survey ng SWS Mobile Survey na isinagawa nitong April 14, kaya siya na ngayon ang nangunguna sa survey at handa na siya sa katakot-takot na pagbatikos o black propaganda laban sa kanya.

Ayon kay Leni, eh hindi pa nga raw siya nagna-number 1 sa survey ay binabanatan na siya ng kanyang mga kalaban sa pagka-Bise Presidente, ‘yun pa kaya raw na mag-number 1 siya.

Gayunman, hindi raw siya magpapaapekto sa mga bumabatikos sa kanya bagkus ay sisipagan niya nang husto para mas lalong lumaki ang kanyang rating sa mga darating pang mga survey at ang mahalaga raw sa kanya ay wala siyang itinatago.

Ang isa sa mga nakatulong sa pag-angat ng rating sa survey ni Leni ay ang presensya niya sa publiko gaya ng pagdalo niya sa telebisyon, sa sorties at maging sa mga ikinakasang debate. Nakikilatis siya ng mga tao.

Gayunman kahit masaya umano siya sa pagiging number 1 sa survey, aminado si Leni na hindi pa rin siya dapat magpakakampante.

Kabilang sa mga inakda ni Leni na panukala ay ang pagbuo sa Agrarian Reform Commission na layong imbestigahan ang pagpapaikot at paglabag sa Comprehensive Agrarian Reform Law, National Food Security Bill of 2015, Anti-Discrimination Bill of 2013, People’s Participation in Budget Deliberation Bill, People Empowerment Bill of 2014, Full Disclosure Bill at ang Freedom of Information Bill ang siyang nagdala sa kanya para lumapit ang tao sa kanya.

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>