PAANO nga ba nabigyan ng building permit at fencing permit ng building official ng Quezon City Hall ang isang motel na nakasasagabal sa right of way ng mga bystander sa nasabing lungsod. May hokus-pokus bang nangyayari?
Basahin natin ang nilalaman ng liham:
Dear Sir Johnny,
Dito po sa isang side ng Edsa sa Quezon City ay may ginagawang building na ang balita po namin ay isang motel na binigyan ng building permit at fencing permit ng building official ng Quezon City Hall.
Ang concern naming mga taga-rito Sir Johnny, ay kung bakit ganito ang ginawa sa fence na sobra sa eastment kaya lumiit at kumitid ang daanan ng mga tao sa sidewalk. Pagkatapos nilagyan pa ng illegal vendors na dapat ikaalarma ng Metro Manila Development Authority dahil ‘yung mga tao ay hindi na makaraan sa sidewalk. Sa halip sa gilid na lang sila ng EDSA sila dumaraan na pwede silang maaksidente dahil sa ginawang mga kalokohan ng mga ito.
Ang pinagtatakahan po namin, Sir Johnny, ay kung bakit ganito kalakas sa building official ng Quezon City Hall ang motel na ito at binigyan sila ng permit na sumusobra ang bakod na lubos na nakaaapektado sa sidewalk na pinagpiyestahan din ng mga illegal vendor.
Sana, Sir Johnny, mabigyan ng kaukulang pansin ng magiting na alkalde ng Quezon City na si Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ang pagbibigay rito ng building permit at fencing permit na nagiging sagabal sa kalsada.
Maraming salamat po, Sir Johnny.
SI MAYORA NGA BA ANG KAKAMPI NG MGA ILIGAL SA CALATAGAN?
Hanep, binigyan daw ni Calatagan, Batangas Mayor Sofia Palacios ng go-signal na mag-operate sa kanyang bayan ang mga iligal na pasugalan gaya ng tupadahan, saklaan at color games na minamantine ng mga barangay official sa Bgy. Talibayog, Calatagan,Batangas.
Wala raw ipinagmamalaki ang mga barangay official dito kundi kapanalig daw nila sa pulitika si mayora at ang hepe ng Calatagan na si C/Insp. Jonathan Bagayao. Ganun ba?
***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA