Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HUWAG DADAYAIN SI BONGBONG! – AFPcos

$
0
0

BASAHIN muna natin ang mga pahayag ng retiradong chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines na si General Benjamin Defensor nitong Abril 19 sa isang salo-salong ikinasala nila bilang pagpapakita ng solidong suporta sa kandidatura ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

“Nakikita natin na mataas siya (Bongbong) sa sarbey, pero binabawasan pa ‘yan kasi natatakot ang mga kalaban,” banggit ni Gen. Defensor.

“Si Bongbong is matagal na sa pulitika at I have seen, I have felt what it is like to be a candidate, and I will tell you napakalayo ng lamang niya sa mga kalaban, na kapag natalo si Bongbong ngayong halalan, siya ay dinaya,” susog ni Defensor.

Sinadya kong bigyan-diin ang mga nabanggit na pahayag ni Defensor sa harapan ng higit 200 heneral, colonel, at mga dating opisyal ng AFP, kabilang na ang iba pang dating Chief-of-Staff ng AFP tulad nina General Alexander Yano, General Roy Cimatu dahil malalim ang mensahe ng mga ito.

Ang tingin kong punto ni General Defensor ay ‘magkakagulo’ kapag nagkaroon ng dayaan sa eleksyon, lalo na laban kay Bongbong.
Ang ibig sabihin ng magkakagulo ay aaksyon silang mga heneral upang tahasang tutulan ang pandaraya.

Sa palagay ko ang mensahe ni General Defensor ay babala kay Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III, sapagkat siya mismo ay paulit-ulit na nagsasabi sa publiko na kahit sinong kandidato sa pagka-Bise Presidente ay aprubado sa kanya, huwag lamang si Bongbong.

Paulit-ulit ding kinakalampag ni PNoy ang media, gamit ang buong makinarya ng kanyang administrasyon, upang kumbinsihin ang milyon-milyong Filipino na hindi dapat manalo si Bongbong.

Wala mang inaamin si PNoy at ang kanyang mga kasapakat laban kay Bongbong ay lumilitaw na mayroong ‘plano’ ang estado para pigilan ang inaasahang pagtatagumpay ni Bongbong sa eleksyon at hindi ang kanyang manok na si Rep. Leni Robredo.

Si PNoy ang lantarang mayroong masamang tinapay kay Bongbong at sa pamilyang Marcos at siya ay maroong malakas at malawak na makinarya upang ipatupad ang masamang tinapay na ito.

Naalala ko tuloy si Adolf Hitler ng Alemanya na kaparehas ang estilo kay PNoy.

Alam n’yo bang ginamit ni Hitler ang pamahalaan upang wasakin at itumba ang mga kalaban sa pagtangan ng estado sa poder?

Kumbinsido akong intindidong-intindido ng mga heneral ang maitim na balak kay Bongbong, kaya sila ay lumantad at nagpahayag ng suporta at kahandaang idiskaril ang planong dayain si Bongbong, lalo pa’t napakalapit na ng Mayo 9.

Mga kababayan, magtulungan tayong lahat na tiyaking malinis ang eleksyon, hindi upang alalayan si Bongbong, kundi tiyakin ang mga mananalo sa halalan ay mayroong malinis na integridad sa kanilang pagkapanalo upang maging kapani-paniwala ang kanilang magiging desisyon at aksyon sa susunod na mga taon. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.