Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANINIRA NAKAPAPAGOD NA

$
0
0

MISTULANG nagkakalkal ng basura laban sa isa’t isa ang mga kandidato habang papalapit ang araw ng halalan.

Pasimuno riyan ang ilang kandidato sa pagka-pangulo na desperadong maka-remate sa mata ng publiko sa pamamagitan ng ilang major survey.

Matatandaang una nang sinilip ang umano’y overpriced City hall building at inakusahan si VP Jejomar Binay ng kanyang mga kalaban.

Sunod namang kinuwestyun ang US citizenship ni Senadora Grace Poe ng mga kalaban nito noong siya ay nangunguna pa sa survey.
Hinarap at sinagot ni Poe ang mga paratang na ito. At ngayong ilang araw na lang at halalan na, si Davao Mayor Rodrigo Duterte naman ang inuulan ng intriga na kesyo may daan-daang milyong yaman umano ito sa bangko.

Itinanggi na ng alkalde ang paratang kasabay ang sabi na nasa “thousand” lang ang pera niya sa nasabing BPI bank account.

Makaraan ang tatlong presidential debates, hindi pa nagkasya ang ilang presidentiables na batikusin ang iba.

Sa halip na ilahad nang puspusan ang maipagmamalaking accomplishments, puspusan ang paghahalukay ng kabulukan o anomang baho na mailalabas.

Palibhasa, may mga kandidato na wala namang sapat na nagawa para pagbutihin ang kalidad ng pamumuhay ng taum-bayan. Kaya pulos paninira ang ginagawa.

Sa susunod na mga araw, ano pa ang isisiwalat ng ilang desperado laban sa kanilang katunggali?

Wala na silang paggalang sa isa’t isa. Nakasasawa na ang ganitong taktika. Sa maraming pagkakataon, naiinsulto lang ang katalinuhan ng mga taumbayan.

Kung ‘di pa desidido, nabubuo at nagiging malinaw na ang pag-iisip ng publiko tungkol sa pagkakaiba ng mga kandidato.

Ang mga kandidatong naninira o malinaw na nagsasagawa ng “demolition job” or black propaganda laban sa mga karibal sa eleksiyon ay siyang matatanggalan ng maskara.

Kalungkot-lungkot at mayroong pagkakataon na nagagamit pa ang ilang pahayagan. At may pagkakataon na ang sinisiraan at nabubugbog sa paratang ay siya lamang umaangat. Kasabihan nga, ‘yung pinupukol ang mabunga.

Ibig-sabihin lang niyan na wala nang kredibilidad ang mga naninira. Kaya tumigil na kayo!

* * *
Welcome po ang inyong reaksyon, opinyon at reklamo. I-email po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin nyo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>