KULANG ang “international law expert”, sabi ni Atty. Harry Roque sa paninindigan ng mga kandidato sa pagka-Pangulo sa isyu ng West Philippine Sea dahil walang komprehensibo at pangmatagalang solusyon na iniaalok ang mga ito.
Kilalang abogado ng mga mahihirap at naaaping Filipino si Roque, lalo na ‘pag may dayuhan na kasama o kalaban sa kaso ng kanyang ipinagtatanggol.
Siya’y pinuno rin ng Kabayan Party-list na ang layunin ay pursigihin ang mga karapatang pangkalusugan, pamamahay at pamumuhay ng mga mahihirap na kababayan natin.
Ayon pa sa batikang abogado at ngayo’y Kabayan Party-list Representative, wala man lang naglahad sa kanila ng PLAN B o kung ano ang gagawin sakaling tayo’y manalo o matalo sa international tribunal.
Para sa kanya, kahit manalo pa tayo sa inihain nating arbitration case, hindi rito matatapos ang problema, “Magkakaroon ng ruling sa pinag-aagawang isla, may mga specific case lang na maa-address ng arbitration tribunal.”
Nakababahala umano ang problema dahil tila hindi naglaan ng sapat na panahon ang mga kandidato para pag-aralan ang isyu gayung ito ang kaisa-isang maituturing na pinakamahahalagang external threat sa ating bansa.
MARAMING NAKINABANG KAY TESDAMAN
Only in the Philipines lang nangyari simula nang maging TESDA Man si Joel Villanueva. Sa panahon lang niya ang maraming nakapagtapos ng kanilang pag-aaral at nakapagtrabaho sa bansa at ibang bansa.
Biruin n’yo, siyam na milyon sa 10-milyong estudyante ang nakapag-graduate sa termino ni TESDA Man Joel Villanueva.
Siyam na milyong dreams ang naipatupad ng Tesda para sa ating mga kababayan sa termino ni Joel at siyam na milyong pamilyang Filipino ang nakikinabang ngayon.
Sa utak ni Joel Villanueva ay nagawa niyang makipag-tie up sa big companies para sa siguruhin ang trabaho.
***
Anomang puna o reklamo, i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
