Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAYAAN SA ABROAD, DAYAAN SA PILIPINAS?

$
0
0

MAY dayaan sa halalang Mayo 9, 2016. At dinaraan ang dayaan sa pamamagitan ng vote-counting machine o VCM.

Ito ang sinasabi ng mga overseas Filipino worker. At ipinararating ito sa atin sa bansa.

SI BONGBONG

Unang nagreklamo si vice presidential aspirant Sen. Bongbong Marcos.

Aniya, may bumoto sa kanya sa Hong Kong pero ang katunggali niya ang lumabas sa resibo. Naganap ang pangyayari sa Hong Kong.

Kung ano na ang ginagawa ng Commission on Elections dito, wala tayong nababalitaan.

SI TEDDY BOY LOCSIN

Sa kanyang twit o mensahe sa Twitter, sinabi ni dating Makati Congressman Teddy Boy Locsin na may nagreklamo sa kanya na ibang pangalan ang lumabas sa resibo ng kanyang boto.

Ibinoto umano ng OFW absentee voter ang Duterte-Bongbong.

‘Yun bang === Duterte ang Pangulo at Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Pangalawang Pangulo. Pero ang Mar-Leni umano ang lumabas.

Tumutukoy kay Mar Roxas ang Mar at kay Leni Robredo and Leni.

Sa botohan sa United States umano naganap ang pangyayari.

BLIND ITEM, TSISMIS LANG

Nang makarating sa Malakanyang ang twit ni Locsin, anak ng tokwa, agad na binara ito.

Blind item lang umano ito at walang halaga. Hindi umano pupwedeng maging basehan ng anomang aksyon ang isang tsismis.

Tama naman. Kaya lang, kumbaga sa apoy, kung walang amoy-sunog o kung walang usok, walang apoy.

May apoy.

IBANG BANSA

Hindi maikakaila sa Malakanyang ang mga balita na pinalabas sa social media na may dayaan sa halalan sa pamamagitan ng mga VCM.

Mula sa Middle East, may mga nagreklamo na iba ang lumabas sa mga resibo sa VCM sa ibinoto ng mga OFW. At hindi lang iisa o dalawa kundi grupo ang nagsasabing iba talagang kandidato mga lumabas sa mga VCM.

Kung hindi naman, hindi lumalabas ang pangalan ng kandidato samantalang lumalabas naman ang iba.

Gawin nating straight ang mga balita. Mga kamag-anak mismo na nakausap ang Remate ang nagsasabing bumuto sila kay Digong Duterte pero iba ang lumabas.

Mayroon ding hindi lumabas na Duterte at ibang pangalan ang lumabas. Si Bongbong hindi rin lumabas kundi pangalan ng ibang kandidato.

AYAW MAGSALITA

Ayaw magsalita ang mga biktimang OFW sa pandaraya.

Simple lang ang dahilan: baka mapahamak lang umano sila…At masira ang kanilang kalagayan at paghahanapbuhay.

Tama nga naman.

Sa tindi ng pagiging benggador ng mga nasa pamahalaan ngayon, sino ang sasalang sa isang kaso na hindi mo alam kung mananalo ka kahit nasa tamang landas ka.

Madidiskaril ang iyong tamang landas sa Matuwid na Daan.

ANG COMELEC

Muli, ano-ano na ang ginagawa ng mga taga-Commission on Elections sa mga pangyayaring ito.

May ulat na dumating sa atin na ginawang mano-mano ang boto ng mga biktima ng madayang makina. Pero hanggang doon lamang ba ang aksyon ng Comelec?

Anak ng tokwa, may mas malalim na problema riyan, ang haytek o high technology na pandaraya at hindi kayang ituwid ‘yan sa mano-mano na botohan.

ANG HIGH-TECH

Katulad ng ipinaliwanag na natin sa nakaraan nating mga kolum, mga Bro, may dalawang nagrerekord ng ating mga boto, ayon sa paliwanag ng mga Board of Election Inspectors na sinasanay para humawak ng mga VCM.

Isa ang microchip at iba ang CompactFlash card.

Sabi ng mga taga-BEI, mahirap ang dayaan sa kanilang hanay sa rami ng mga witness at pagkakaroon ng resibo mula sa makina.

Pero roon umano sa kamay ng mga techinician ng Smartmatic sila may malaking pagdududa.

Halimbawa umanong luto na o may sariling laman ang microchip o CF card at pabor ito sa isang piling kandidato, ito ang lalabas sa padala ng mga technician sa mga munisipyo, lalawigan at Comelec Central Office server.

Ito ba ang nagaganap sa mga botohan sa mga OFW?

MAGAGANAP DIN SA PINAS

Kung nagaganap sa abroad ang ibig-sabihin ng mga BEI, aba, nahaharap sa malaking problema ang halalan.

Mawawalan ng saysay ang mga boto ng mga mamamayan at ang kanilang kagustuhang pumili ng kung sino-sinong mga lider ang gusto nilang mamuno sa mahal kong Pinas.

‘Yun bang === makina ang magpapanalo at hindi tao sa sinomang lalabas na winner sa halalan.

Ngayon, ano-ano na ba talaga ang ginawa ng Comelec sakaling lilitaw ang problemang ito nang maramihan at aabot ito sa milyon-milyong boto.

Ipagpalagay nating gagawing mano-mano ang botohan sa mga kasong ito.

Pero ano ba talaga ang ita-transmit o ipadadalang resulta ng halalan ng mga makina mula sa mga presinto hanggang sa Comelec Central at hanggang sa Kongreso na magka-canvass ng boto ng Pangulo at Pangalawang Pangulo?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>