PATULOY at hindi natitibag ang “Bookies Emperor” ng operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) nitong si Edwin Ramos na mas lalong kilala sa tawag na ER sa mga bayan ‘gaya ng Los Baños at Bay sa lalawigan ng Laguna.
Ibang klase ang mamang ito dahil kahit sino ang maupong Provincial Director (PD) ng lalawigan ay hindi natitibag ang kanyang bookies sa mga bayan ‘gaya ng Los Baños at Bay, Laguna.
Halos buong bayan ng Los Baños at Bay ay kontrolado ni ER ang operasyon ng kanyang iligal na bookies ng STL dahil walang sinomang mga kapitalista ng bookies ng STL ang mangangahas na pasukin ang teritoryo ni ER ng hindi kumakatok sa kanya.
Dahil mula sa pinakamababang posisyon sa local na gobyerno ng mga nasabing bayan ay hawak ni ER ang tungki ng mga ilong nito kaya naman smooth na smooth ang operasyon ng kanyang bookies sa bawat sitio o barangay.
Ang matindi pa rito, ang balita na pati ang PD ng Laguna na si Supt. Ronnie Montejo, hindi ko lang alam kung gaano katotoo na may lingguhang tinatanggap na I.N.T. (intelihensiya) mula kay Edwin Ramos o ER.
Kaya nga raw na masayang-masaya si Supt. Montejo dahil sa mga biyayang natatanggap nito mula sa mga operator ng mga iligal na sugalan gaya ni ER.
Totoo ba ito Supt. Montejo, pakisagot ninyo lang!
KON. SY SA 1ST DISTRICT NG TONDO
Siya nga pala, sa District 1 (Tondo) ng lungsod ng Maynila, huwag ninyong kalilimutan na isama sa inyong balota sa May 9 itong si dating barangay Chairman Randy Sy na tumatakbong konsehal ng nasabing distrito, katiket po ‘yan ni Mayor Erap Estrada.
Garantisado po ‘yang si Kon. Randy Sy, hindi pa po ‘yan konsehal ay tumutulong na po siya sa mga taga-Tondo.
Ibang klase ang mamang ‘yan pagdating sa kawang-gawa!
Saan pa kayo e ‘di kay Kon. Randy Sy na po tayo!!!!
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
