Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LABANAN ANG PANDARAYA

$
0
0

TUSO at malawakang pandaraya ang pinangangambahang matutunghayan sa Lunes, araw ng eleksyon. Batay sa ‘di kakaunting ulat, nagkaroon ng aberya sa iba’t ibang final testing na isinagawa kamakalawa, partikular na sa paglitaw ng ibang pangalan ng kandidato sa resibo mula sa vote-counting machine kaysa aktuwal na binoto ng botante.

May mga pag-agam-agam din ukol sa integridad ng automated electoral process dahil nabulgar sa pagsusuri ng mga dalubhasa sa information technology na posibleng mangyari ang “electronic dagdag-bawas.”

Bukod sa bumubulaga ang ibang pangalan ng kandidato sa resibo, malaki rin pala ang posibilidad na magkaroon ng “electronic ballot-switching.” Ibig-sabihin, pwedeng mapalitan ng “kargado” ng Security Digital (SD) card ng VCMs o Compact Flash (SF) ng precinct count optical scan (PCOS) machines at siyang ita-transmit sa Commission on Elections (Comelec) for canvassing.

Karumal-dumal ang senaryo na ating kahaharapin kung ipagpapatuloy ang ganitong klase ng pandaraya.

Nananatili lamang ng 10 puntos si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa resulta ng major surveys ukol sa presidential derby.

Hindi kaila ang desperasyon ng ilang kandidato, partikular na ang kampo ng administration candidate na si Mar Roxas, na nakikipagtunggali kina Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay sa second place. Ultimong survey nga, gustong bilhin at manipulahin, hindi malayo na gagawa ng hakbang ang desperadong kandidato para masungkit ang panalo sa May 9 polls.

Kaya masugid tayong magbantay at lalabanan natin ang anomang pagtatangka ng pandaraya o pagsabotahe sa proseso ng halalan.

Ang mga masamang balak na ito ay maaaring isagawa sa iba’t ibang paraan at iyan ang maaaring kulminasyon ng sistematikong manipulasyon at pandaraya ng makinarya ng LP.

Pinipilit nilang isalaksak sa ating lalamunan ang lecheng “Matuwid na Daan” na isinusuka ng taumbayan! Pwe!

***
HAPPY MOTHER’S DAY unang-una sa aking Nanay Caridad at sa lahat ng ina na nagmamahal sa kanilang mga anak. Kasihan po kayo ng Panginoong Hesukristo!

***
Welcome po ang inyong reaksyon, opinyon at reklamo. I-email po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin niyo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>