SI Muntinlupa Mayor Jimmy Fresnedi pa rin ang tinulungan ng Kapatiran ng Iglesia ni Cristo (INC).
Dahil dito, naselyuhan na ang pagkakapanalong muli ni Fresnedi na angat na angat sa lahat ng barangay sa lungsod at maging sa lahat ng survey na isinasagawa sa Muntinlupa.
Malinaw na aprub ang INC sa mga programa ni Fresnedi kaya tinulungan nila ito sa magkasunod na pagkakataon.
Saludo ang taga-Muntinlupa sa mga programa ni Fresnedi, katulad ng programa sa health, livelihood end employment, peace and order, economic development, enviromental protection, socialized housing at good governance.
Nakita rin ng taga-Munti ang malaking pagbabago ng naturang siyudad sa pamumuno ni Fresnedi na malayong-malayo at hindi hamak na mas maunlad sa panahon ng dating alkalde.
Naging trasparent din ang pamumuno ni Fresnedi sa lahat ng gastusin niya sa lungsod na siyang dahilan ng pagsaludo ng mamamayan dito.
Bukod kay Fresnedi, tinulungan din ng INC sina Cong. Ruffy Biazon at Vice Mayor Celso Dioko.
Maging ang mga konsehal ni Fresnedi sa District 1 na kinabibilangan nina Patricio Boncayao, Jr.; Allan Camilon; Bong Cruz; Bal Niefes; Phanie Teves at Ringo Teves ay dinala rin ng INC.
Bitibit naman sa District 2 ng INC sina Tintin Abas; Dhes Arevalo; Lester Baes; Lucio Constatino; Grace Gonzaga; Marissa Rongavilla; Raffy Sevilla at Victor Ulanday.
Naniniwala rin si Fresnedi na tatangayin na rin ng mga taga-Munti ang dalawang kandidato sa pagka-konsehal ng Distrito 1 na hindi nadala ng INC na sina Louie Arciaga at Danny Carandang.
Tuloy ang asenso ng Munti kaya kapit lang dahil marami pang magagandang handog na programa at proyekto ang Team Fresnedi. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO
