Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IPASASARA ANG KONGRESO KUNG…

$
0
0

ANG daming natakot at marami ring nagbabanta ng pagpapatalsik kaagad o impeachment laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte aka “KA RODI at KA DIGONG” dahil sa pagsasabi nitong ipasasara niya ang Kongreso o ang Senado at Kamara de Representante.

Easy, easy. Huwag imali ang konteksto ng kanyang sinabi tungkol sa Kongreso.

Ipasasara niya lamang ang Kongreso kung ito ay mananatili ang asal na bulok ng mga senador at kongresista. ‘Yun bang napakahalagang batas na dapat isulong ay pipigilan, kokontrahin nang walang dahilan.

Personally, sang-ayon ako na ipasara ang Kongreso. Naalala ba ninyo ang mga mala-hayop na 188 kongresista na pumirma sa impeachment laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona? Okay lang sana kung talagang ‘yun ang gusto nila pero dapat ay dumaan muna sa isang tama na proseso ng impeachment!

Hindi eh. Ni hindi inalam kung ano ang nilalaman ng dokumento. Hindi binasa. Hindi pinag-aralan. Basta nang malaman nila na may pabuyang P50-milyon, hayun, naglundagan ang mga animal at pikit-mata na nagsipirma.

Maski sa Joint Congressional hearing sa Senado noon, bulag na kinilala nila ang mga ebidensiya mula sa mga multo – white lady at nilipad ng hangin sa bakod – pagkaraka, pumila sa Malacañan para tanggapin ang karagdagang pabuya nila mula mismo sa rehimeng Aquino!

Punyetang Kongreso ang nagdaan, hindi ba?

Ang matindi, mabigat ang paratang ng administrasyong inutil laban kay Corona at ginagawa ngayon kay KA DIGONG. ‘Yun daw hindi pagsasama ng pera at pag-aari sa kanilang Statement of Assets and Liabilities Networth (SALN) ay malaking kasalanan.

Tama! Pero nang sila ng mga Kongresong Hukom ang hinihingan ng media, ayaw nila at kung ano-ano ang palusot nila na hanggang ngayon ay ayaw pa ring ipakita sa madlang pipol. Bakit? Mga Pariseo!

Kung mananatili ang mga mambabatas sa ganitong ugali at postura at walang hinintay kundi payola at pera, hindi tayo magdadalawang-isip na mamuno sa panawagan na IPASARA ang Kongreso!

Ang mga nagdaang Kongreso ay nag-asal na mga hari. ‘Yung mga mukha nila, “NO MONEY, NO HONEY!” Kung walang PORK BARREL, walang kikilos.
Kung walang PDAF, ayaw magsipagtrabaho. Iyan ba ang mga lider ng bayan?

Sana nga, kung sa pag-upo ni DUTERTE, imbestigahan ang mga mambabatas na biglang nagsiyaman dahil sa ugali nilang iyan.

Sana, kumpiskahin ang mga bagong ari-arian nila na nakuha mula sa kaban ng Kongreso at Kaban ng Bayan.

Ipasara ang Kongreso kung…patuloy ang pagnanakaw nila at balakid sa mga batas ng pagbabago! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>