Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KARAHASAN SA KAMPANYA

$
0
0

ANG pangangampanya ng mga kandidatong tumakbo para sa pambansa at lokal na posisyon ay sabay na nagwakas noong Sabado.

Ito’y upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapagpahinga muna bago sumabak sa halalan kahapon.

Alalahanin na ang mga tumakbo para sa national posts ay binuno ang pangangampanya sa loob ng 90 araw mula Pebrero 9 samantalang 45 araw naman ang kandidatong panglokal mula Marso 26.

Upang mapigilan ang karahasan, mahigpit din umanong nagpatupad ng election gun ban ang kapulisan na nagsimula noong Enero 10.

Bilang patunay, nagpahayag ang PNP na noong Mayo 6 ay umabot na sa 4,023 tao ang kanilang naaresto sa buong bansa sa paglabag ng gun ban. Ang 30 sa mga ito ay pulis at ang 18 ay sundalo. May 3,268 baril na ang kanilang nakukumpisa o nababawi.

Pero sa kabila ng paghihigpit ng mga pulis ay patuloy na namayagpag ang karahasan sa huling araw ng kampanya, at hindi nila ito nagawang pigilan.

Tinambangan ng hindi kilalang mga lalaki sa Jones, Isabela ang convoy ng kandidato para alkalde na si Melanie Uy na ikinasawi ni Barangay Chairman Rhoda Anunciacion, Lydia Zapata at ng isang miyembro ng security force ng kandidata. Rumesponde ang mga kawal sa kaganapan at nakipagputukan sa hindi matiyak na bilang ng mga lalaking may baril.

Hindi naman bababa sa 10 armadong lalaki ang pumaslang sa isang independent candidate para alkalde sa Lantapan, Bukidnon. Pinatay ito sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Bgy. Balila.

Masuwerte pa ring maituturing ang isang pamilya na hindi nasaktan o nasugatan matapos pagbabarilin ng tatlong lalaki ang bahay ng isang opisyal sa Bgy. Sampoli B sa Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Mayroon ding nanalakay na gamit ang granada sa lugar na inilaan para sa mga pulis at militar sa paligid ng Simuay Elementary School sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nauna rito ay nagkaroon ng serye ng mga pagsabog sa ilang paaralan sa munisipyo ng Sultan Kudarat at Sultan Mastura sa Maguindanao.

Batid natin na ginagawa ng kapulisan ang kanilang makakaya upang mapigilan ang karahasan.

Pero maliwanag na hindi ito sapat at hindi pa rin kontrolado ng gobyerno ang seguridad sa mga lalawigan hanggang sa kasalukuyan.

Sa katunayan, sa kabila ng malaking bilang ng mga nahuli at sandamukal na baril na nakumpiska ay hindi masagot ng opisyal ng PNP kung ilang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa halalan ang naganap mula nang ipatupad nila ang gun ban.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>