Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KORAPSYON SA LTO, BUWAGIN

$
0
0

MARAMI ngayon ang umaasa na sana ang papalit na administrasyon ay hindi maging kasing manhid at walang paki gaya ng gobyerno ni Pang. Benigno ‘Noynoy ‘Aquino.

‘Wag na tayong lumayo. Sa isyu pa lang kung ang pag-uusapan ay transportasyon, ay naku po, Diyos ko, sirang-sira na ang administrasyon ni Pang. Aquino. Kaya nga hanggang ngayon, palpak pa rin ang serbisyo ng LRT/MRT, gayundin ang Office for Transport Security dahil sa isyu ng laglag-tanim bala sa NAIA.

Hindi pa kasama riyan ang talamak at kaliwa’t kanang korapsyon sa Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng pamumuno nitong si LTO chief Roberto Cabrera na wala nang ginawa kundi magpa-cute sa media. (Cute nga ba siya?)

Kaya nga, kung magawi kayo sa LTO-Parañaque, sa bukana pa lang ay mabubungaran ninyo kaagad ang kaliwa’t kanang korapsyon.

Dahil usong-uso sa ahensyang ‘yan ang ‘non-appearance’ sa pagpaparehistro ng kotse, pati na sa mga kumukuha ng lisensiya.

Ay naku, garapalan din ang pagpabor umano sa ilang “insurance company” na minamaniobra ng ilang tiwaling opisyal sa LTO-Parañaque dahil lamang sa kanilang komisyon. Ang hepe rito ay si Mrs. Nida San Buenaventura.

Kung ako si Cabrera, sisibakin ko na agad ito dahil natitiyak ko, pag-alis pa lang sa pwesto ni Pangulong Aquino, isa si San Buenaventura sa ingunguso sa bagong administrasyon na ‘di na dapat bigyan ng puwesto sa gobyerno.

Kung bagsak ang grado sa taumbayan ng anim na taong panunungkulan ni PNoy, higit na kalabasa award din ang dapat igawad sa LTO-Parañaque ni San Buenaventura.

Kasi, kung corrupt na ahensiya ng gobeyerno ang LTO, pinakapasimuno sa korapsyon ang LTO-Parañaque mismo!

TAGASAMSAM NG TABAKUHAN

Panay hataw sa pagkuha ng tong koleksyon itong isang alyas Mike na nagpapakilalang siya na ang bagong collector ni R4-A RD Supt. Roland Santos sa nasabing rehiyon. Totoo kaya ito? Hindi nga. Abangan…

***
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>