Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINO ANG NAGWAGI AT SINO ANG MAGWAWAGI?

$
0
0

KAGABI, may mga lokal nang kandidato na nagpalipad ng mga kwitis bilang senyales ng panalo sa halalang 2016.

Ang mga pandistritong kandidato na kongresman at panlalawigang kandidato ay bukas o sa makalawa pa malalaman ang kanilang suwerte o malas.

Sa huling linggo ng Mayo naman malalaman ang swerte o malas ng mga senador, bise presidente at presidente.

Siyempre pa, idinalangin nating hindi sana umubra ang mga pandaraya upang ang tunay na damdamin ng nakararami o ng buong bayan ang mananaig.

MADALING MALAMAN

Madali nang malaman ang resulta ng bilangan ng boto sa antas ng mga lokal na kandidato. Ito’y dahil sa paggamit ng kompyuter sa pagbibilang ng mga boto.

Nalalaman din agad ng mga kandidato ang kanilang pagkatalo o pagkapanalo sa bisa ng mga gadget na nagbabato sa kanila ng resulta ng bilangan. Nagkalat ba naman ang mga cellphone, laptop, tablet, two-way radio na hawak ng mga watcher, botante at kandidato.

Kaya nga, alas-12:00 pa lang kagabi, nagliparan na ang mga kwitis at rumatsada na ang mga paputok ng mga kandidatong panalo umano.

Problema lang kung iba ang lalabas na resulta ng halalan sa canvassing sa mismong mga municipal at city hall. Hehehe!

SINA GOB AT KONG

Sa loob ng isang linggo, malalaman na rin ang resulta ng halalan para kina kongresman, gobernador at iba pang mga opisyal na panlalawigan.

Ito’y makaraang mapagsama-sama ang lahat ng resulta ng mga munisipyo at lungsod.

Suwerte ang mga walang kalaban, sitting pretty na, hindi pa gaanong gumastos, dahil isang boto lang ang kailangan nila para maiproklama.

GAPANGAN BANTAYAN

Kung sa akala ninyo ay sa bisperas ng halalan lang nagkaroon ng gapangan o vote buying, mga Bro, nagkakamali kayo.

Mas grabe ang gapangan matapos ang halalan. May mga mayor, kong-resman, gobernador at iba pang kandidato ang tiyak na gagapang patungo sa election officers na pangmunisipyo, panlungsod at panlalawigan.

Mag-uunahan ang mga kandidato o partido sa pagkumbinse o pananakot sa mga election officer na magproklama agad ng mga “nanalo” kahit hindi pa tapos ang bilangan.

Aba, kung naproklama na nga naman ang isang kandidato, aabutin ang “natalo” ng siyam-siyam sa pagpoprotesta at pag-hahabol ng kanyang panalo sa “recount.”

At kasaysayan na, mga Bro, na inaabot ng susunod na halalan ang mga desisyon kung sino talaga ang panalo.

Hehehe!

MAGKANO?

Sa kwentong tunay ng mga politiko sa atin, milyones ang pinakakawalan ng mga wais na kandidato.

‘Yun bang === suhol para mabilis na magproklama ang election officer.

Heto pa, may mga election officer talaga na nagbabantay ng highest bidder, lalo na sa mga leeg sa leeg na labanan. Ipinasusubasta ang proklamasyon at kung sino ang may pinakamalaking alok na halaga, ‘yun na.

May mga election officer namang kawawa. Sila ‘yung inaambahan ng tabak sa leeg o bala ng baril.

Tanggal sila sa puwesto makaraan ang eleksyon o kaya’y basta na lang kinukuha ni Lord.

PARTY-LIST KONGRESMAN

Dinistrungka ng Supreme Court ang kaisipan na para sa mga mahihirap at walang boses lang ang sistemang party-list.

Ngayon, pupwede nang magkaroon ng party-list ang kahit sino. Kaya nga, naglipana ngayon ang mga party-list na kontrolado ng mga politiko at mayayamang indibiduwal o pamilya. Meron ding kontrolado ng mga grupong panrelihiyon.

Kasabay ng mga ito na pumalaot bilang party-list ang mga dati nang grupo ng mga obrero, urban poor, tsuper, kababaihan, grupong lesbian, gay, bisexual at transgender, indigenous people at iba na unang binigyan ng batas ng karapatan na magkaroon ng boses sa Kamara.

Karaniwang ipinagyayabang ng mga politiko at mayayaman at maiimpluwensyang tao at pamilya na hindi sa mga mamamayan sila nanalo kundi sa Commission on Elections.

Say mo, Comelec boss Bautista?

NASYUNAL BANTAYAN

Itong canvassing ng national election, mga Bro, ang puno ng pag-dududa kaya dapat itong mabantayan nang maigi.

Sabi ng mga Board of Election Inspector, mahirap mandaya sa kanilang antas sa presinto dahil may resibo ang mga botante. Giyera ang aabutin daw nila mula sa mga watcher at tao.

Pero mula sa pagbiyahe ng mga SD card mula sa mga presinto hanggang sa mga munisipyo, lungsod at lalawigan, wala na umano silang magagawa. Lalo na sa mga transmittal o pagpapadala ng resulta ng botohan sa bisa ng internet.

Maaari umanong mapagpapalitan ang mga SD card na binunot mula sa mga vote-counting machine o kaya’y sa isang “click” lang ng computer, iba na ang bilang o pangalan ng mga ibinoto.

At diyan grabe ang dayaan na gawa ng mga technician pero hawak-kamay ng mga may kontrol mismo sa Comelec.

Maghanda-handa na sa gulo…kung talagang magkakaroon ng pandaraya.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes