Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DURUGIN ANG DROGA AT PNOY STYLE

$
0
0

I will be harsh!” Magiging malupit ako sa droga.

Ang pahayag na ito ang isa sa mga unang binitiwang salita ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte makaraang hindi na mapigilan pa ang kanyang mga paa patungo sa Malakanyang sa darating na Hulyo 1, 2016.

Maganda itong simula na talaga namang pupwedeng gawin.

7-8M ADIK

Kung paniniwalaan ang ulat ng mga pulis, tinatayang pito hanggang walong milyon umano ang mga adik sa mahal kong Pinas.

Nagsimulang lumaganap ang droga sa Pinas mula sa mga base militar ng mga Kano sa kasagsagan ng Vietnam war noong mga dekadang ‘60-’70.

Nagdodroga ang mga puwersang Kano upang manatili silang gising at may lakas ng loob na lumaban noon sa mga Vietcong at North Vietnamese Army.

Sa kanilang rest and recreation sa Angeles City-Mabalacat, Pampanga at Olongapo-Subic-Bataan area na kinatayuan ng kanilang pinakamalalaking airforce at naval base, dala-dala nila ang droga.

Mula noon, lumaganap na ang droga bilang pamana ng mga Kano sa mga Pinoy. At ngayon, may 7-8 milyong adik umano sa buong bansa.

MGA DRUGLORD

Gaya ng alam ng lahat, kagagawan ng mga druglord ang paglaganap ng droga.

Pero sino-sino ang mga druglord? Sila ang mga halo-halong dayuhang nagdadala ng malakihang bulto ng sari-saring droga sa Pinas, magtatayo ng mga laboratoryo ng droga at nagpapakalat nito sa Pinas at sa ibang bansa.

Turing na druglord din ang kanilang mga pakner na Pinoy. At kabilang sa mga druglord ang ilang nakatuntong na sa Malakanyang, sa Senado, sa Kamara. May nakaugat din sa Camp Crame, Camp Aguinaldo at New Bilibid Prisons bilang mga druglord at protektor.

May mga druglord din sa mga municipal hall, city hall at provincial capitol.

Ganyan kalawak ang ugat at sanga ng droga sa Pinas. Kaya hindi nakapagtataka na milyon-milyong Pinoy ang nagiging adik at still counting.

ADIK MUNA

Dahil sa laki ng pakinabang sa negosyong droga ng mga protector-druglord na may hawak sa gobyerno, gaya ng mga pulis, sundalo at miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency, naging estilo ng mga ito ang pagtira sa mga adik at maliliit na pusher lamang.

Ang mga adik at pusher ang tinutumba, sina-salvage, ikinukulong, idinedemanda at tsina-chop-chop. Pero bago maganap ang mga ito, pinepera muna ang mga ito.

Kahit sa paglaya ng mga ito sa kulungan at piyansa, pinepera pa rin ang mga ito. Kung daan-daang libo o milyon nga naman na tao ang pagkukunan mo ng kahit maliliit na halaga, aba, magsu-swimming o lalangoy ka nga sa salapi.

Kung meron mang malalaking druglord na tinitisod ng mga ito, karaniwang mga dayuhan lang.

BIG FISH MUNA

Ngayong maaaring makatuntong na si Mayor Digong sa Malakanyang, maaaring baguhin nito ang laban sa droga.

Kumbinasyon ang tira sa mga adik at pusher at mga druglord na lokal at dayuhan sa bisa ng kapangyarihan ng mga pulis, sundalo, piskal at huwes hanggang sa Supreme Court.

Walang imposible rito.

Kabilang sa mga dapat na silipin ang mga nasa Bi-libid at iba pang kulungan na roon nakakulong at nakadetine ang ilang druglord.

Ang mga mayor, kongresman, gobernador, senador, taga-Malakanyang na protector, druglord o nagpapabaya sa droga, heneral ng mga pulis at sundalo, naging presidentiables at iba pang mga opisyal ng gobyerno, pupwede ring silipin.

Kung masasampulan ang mga ito, aba, manginginig ang tumbong ng lahat na sangkot sa droga. At huhupa agad ang nagbabagang industriya ng droga sa bansa.

PNOY STYLE

Sa laban ni Pangulong Noynoy Aquino at mga KKK niya sa korapsyon, naging kaduda-duda sa huli bagama’t katanggap-tanggap noong una.

Kasi naman, lumabas na tanging ang mga katunggali lang niya at kanyang mga KKK sa pulitika at kaagaw sa mga yaman ng Pinas ang kanyang mga pinagtititira at gamit pa ang lahat ng puwersa ng gobyerno.

Hinayaan nitong magnakaw nang magnakaw at mang-abuso ang mga kakampi nito at iiwanan niya ang Palasyo at ang gobyerno na nakalubog sa mahigit sa P6-trilyong utang.

Sa mga utang na ito na panloob at panlabas, kasama ang mga buwis ng mga mamamayan, kabilang na ang mga Priority Development Assistance Fund, Disbursement Acceleration Program, Malampaya Fund at Presidential pork barrel, ang sinalakay ng mga korap.

DAANG MATUWID

Kung kokopyahin ni Pangulong Digong ang PNoy style o kung hihigitan ito, tulad ng hamon mismo ni PNoy sa susunod na administrasyon, anak ng tokwa, hindi lang sa kanal kundi sa bangin tayo pupunta.

Ang magandang gawin ni Pangulong Digong ay tulad ng ginawa nito nang gamitin ang Luneta para sa kanyang miting de avance.

Wala itong naiwang basura sa lugar habang sa mga pinanggalingan nina Sen. Grace Poe at Mar Roxas, na Plaza Miranda at Quezon Circle ay napuno ng basura.

Now you know what I mean.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>