Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TALBOG ANG TSEKE NG LYCEUM OF SUBIC

$
0
0

MASUSUBOK agad si incoming President Rodrigo R. Duterte rito sa Subic Bay Freeport na hawak ng SBMA (Subic Bay Metropolitan Authority) sa mga pangakong pagbabago sa pag-upo nito sa Hulyo 1, 2016.

Ito Ang Totoo: halimbawa ang kaso ng American International School of Subic (AIS) sa Upper Cubi, Subic Bay Freeport.

Inipit-ipit ng SBMA na pinamumunuan ni Roberto V. Garcia ang mga Koreanong may-ari nito nang may hindi nabayarang obligasyon, hanggang ma-terminate ang kontrata nito kahit may advanced rental na isang taong upa at 2 buwang security deposit na may total na humigit kumulang P14M.

Ito ang Totoo: sa kabila ng pakiusap ng mga Koreano, ipina-bid ng SBMA ang AIS at may apat na nagsumite ng kanya-kanyang offer.

May nag-alok na sasagutin at babayaran agad ng buo ang may P14M na utang ng mga Koreano at magdi-deposito pa ng 2 buwang security deposit o P2M, bukod sa karagdagang advanced monthly rentals na hanggang P12M, kaya bale P28M perang papasok agad sa SBMA. Babayaran din agad ang 3 buwang unpaid salaries ng 35 displaced employees ng AIS na total P1.8M. Umaabot din sa P200M ang development commitment sa loob ng dalawang taon ang isang offer, P100M kada taon.

P10M ang development commitment ang offer ng Lyceum sa unang taon, ayaw bayaran ang suweldo ng mga empleyado at ang utang ng AIS sa SBMA ay huhulog-hulugan lang sa loob ng 4 na taon simula sa ikalawang taon ng operasyon.

Gayunman, pinili ng SBMA noong Enero 2016 ang Lyceum of Subic na nagtangkang mag-take-over sa naturang school pero naudlot dahil ayon sa DepEd, walang lisensiya ang Lyceum na magpatakbo ng Grade 1 to 12 sa school year 2015-2016. Tuloy, nagbuo na lamang ng komite ng mga magulang na kasama tayo at school administrator, para tapusin ang school year hanggang Abril 29, 2016.

Ito ang Totoo: Itinakda ng SBMA at Lyceum ang turn-over noong Abril 29 pero batay sa regulasyon at kontrata, dapat magbayad muna ang Lyceum of Subic ng P9.8M batay sa panukala nitong 2 months security deposit at 2 months advanced rentals pagka-pirma ng kontrata, kahit may anim (6) na buwan itong grace period o libre sa upa.

Isang araw bago ang turn-over, nakiusap ang may-ari ng Lyceum na isang Alfonso Borda kay SBMA Chairman Garcia na kasama niya dati sa Ramcar sa Metro-Manila, na bagamat may petsang April 28, 2016 ay sa May 2, 2016 na ipasok sa Bangko ang tseke dahil kulang ito sa pondo.

Pumayag si Garcia na palitan na lamang ng date na April 29, 2016 ang tseke na naisyuhan na ng official receipt, na ipinabawi rin sa Lunes, Mayo 2 na ipapasok sa bangko. Pwedeng hanapin ang cancelled official receipt bilang ebidensiya, ayon sa source natin sa SBMA Treasury Dept.

Itinuloy ang turn-over ng AIS noong April 29 sa Lyceum at naroon mismo si Garcia sa programa, gayong ni singko sentimos ay wala pang naipapasok na pera sa SBMA si Borda/ Lyceum.

ITO ANG TOTOO: TSEKE TUMALBOG

Magdadalawang linggo na matapos tumalbog ang tseke ni Borda ay hindi pa rin ito nagbabayad. Si Garcia? Tila paghahanap ng padrino kay Duterte ang inaatupag para ‘di siya mapalitan agad sa puwesto.

Hanggang 2017 pa raw siya gayung ang appointment paper niya ay hanggang June 30, 2016 lang. May kasunod pa. Ito Ang Totoo. ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes