Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE PRESIDENCY IS DISCIPLINE, NO MORE

$
0
0

OVER fourteen million people, voters of Davao City Mayor RODRIGO ROA DUTERTE are now feasting. Obviously, the mayor won over 5-million to his nearest rival, LP bearer Mar Roxas and senator Grace Poe. The latter has conceded, professionally.

NOW, Dutertistas must not only celebrate just because of Mayor Duterte win. All said number of crowds must restart changing attitudes – from “bahala na” to well equipped individual DISCIPLINE.

No more, no less. You want change, alright?

Huwag nating ulitin ang pagkakamali ng marami nating kababayan matapos ang 1986 EDSA People Power. Umamin noon si Cory Aquino na hindi siya politiko at taumbahay lamang kaya humingi siya ng tulong sa mamamayan na tulungan siya sa pagpapatakbo ng bansa. Ang sagot, “Cory, Cory, Cory” wala na!

Tiyak, inaabangan nga-yon ng kanyang mga nakalaban ang pangako na “lilinisin” niya ang bansa sa korapsyon, katiwalian, kriminalidad lalo na ‘yung sangkot sa ilegal na droga mula tatlo hanggang anim na buwan sa kanyang pag-upo.

Totoo ang bintang, malabo niyang magawa iyon. Pero kung ang lahat na DUTERTERISTAS ay makikiisa at tutulungan siya na makilala at maituro ang taguan ng mga druglord at drug pusher, pati na ang mga protektor nila na mga awtoridad, tiyak, dalawang buwan lamang tapos ang problema!

Sa kabila ng kanyang pagiging palamura, nakita natin ang lambot sa kanyang pagkatao lalo na ‘pag isinasangkot ang kanyang pamilya. Sino ba ang hindi mapamumura, hindi ba? Sino ang hindi?

Naisulat ko na, ang nakuhang boto ni Mayor Duterte ay mula sa protesta ng taumba-yan. Nagsawa na ang karamihan sa mga pangako na batbat ng palamuti mula sa mga tradisyunal na politiko. Ang bawat atake sa kanya ng mga batikan at bayarang taga-atake ay lalong nagsulong ng galit sa ating puso.

Kumbaga, sila ang nagtaas ng kamalayan ng mara-ming botante. Bawat bintang, galit ang sagot ng taumbayan. Sa huli, milya oktabo ang kanyang lamang sa mga kalaban. May iba pa ba?

Ngayon ang mahalaga ay kung papaano matutulungan si Pangulong RODI sa kanyang pamamahala. Gaano man siya kahusay na lider, balewala ito kung hindi natin siya tutulungan. Itigil na rin ang negatibong kantiyawan at asaran lalo na sa social media. Wala itong maitutulong sa atin.

Hindi tayo magsasawa na sabihin sa lahat, WALA TAYONG MAKAKAMIT NA PAGBABAGO hanggang hindi natin yayakapin ang makabayang DISIPLINA sa bawat isa sa atin. WALANG magagawa ang Duterte presidency kung wala tayong DISIPLINA!

Opo, walang labis, walang kulang – DUTERTE PRESIDENCY means DISCIPLINE. BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>