Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CONGRESSPERSON GERALDINE ROMAN

$
0
0

NAPAKALAKI ng pagkakataon na dala ni Congressperson-elect Geraldine Roman, na kauna-unahang Filipino transgender na nanalo ng upuan sa Kongreso ng Pilipinas.

Para sa akin na avid supporter ng LGBT community, exciting ang pagkapanalo ni Geraldine dahil sa tagal ng panahon na nagsikap ang LGBT na magkaroon ng boses sa Kongreso sa pamamagitan ng Party-list system ay hindi sila nabigyan ng pagkakataon at eto na nga si Geraldine Roman.

Sikat ang pagkapanalo ni Cong. Geraldine, kahit mga international news outfit ay dala ang kwento nya.

Bilang taal na taga-Bataan ay alam ko na hindi naman sa ordinaryong pamilya nanggaling si Geraldine Roman.

Respetadong political family at mga mambabatas ang mga magulang nya. Pinalitan niya sa puwesto ang kanyang ina.

Hindi bago sa kanya ang pulitika, lumaki sya sa mundo ng pulitika. Pero ang mas mabigat na dala nya sa kanyang balikat ay ang pagiging transgender niya.

Siya ang maaaring magsulong ng mga karapatan ng mga LGBT pero hindi ibig sabihin na hindi niya bibigyang boses ang iba pa sa kabuuan ng kanyang constituency.

Ngayon pa lang ay maganda na ang tanggap sa kanya ng tao, maging ng media.

Kagalang-galang naman talaga sya kumilos at magsalita. Malalim ang kanyang mga pilosopiya sa buhay.

Maganda ang kanyang educational background, akalain mo na naging Editor siya ng isang news agency sa Madrid, Spain.

Dahil sa kanyang karanasan na na-bully dahil sa kanyang pagiging miyembro ng LGBT, tiyak magiging tagapagtanggol siya hindi lang ng mga bakla at tomboy kundi ng mga naaapi.

Ipagdadasal ko ang tagumpay ni Cong. Geraldine Roman, napakabigat ng nakaatang na responsibilidad sa kanyang balikat.

Sana ay mabigyan niya ng hustisya ang lahat ng mga umaasa sa kanya at sana’y mapagtibay niya at maipaglaban at mapatotohanan itong isang magandang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga kababayan sa Bataan.

Mabuhay ka Cong Geraldine Roman. Good luck and God Bless.

***
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o kaya’y mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>