Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAPAT PASPASAN ANG LABAN SA DROGA

$
0
0

MAGANDA ang pasisimulan ni Mayor President Rodrigo Duterte na kampanya laban sa droga.

Isang mahalagang tanong ukol dito ang pagtatagumpay ng kampanya habang nakaupo siya bilang pinuno ng mahal kong Pinas.

Malinaw na anim na taon siyang manunungkulan at sana’y matapos niya ang laban sa droga nang matiwasay.

Sana’y hindi siya igugupo ng kanyang edad bilang lolo habang siya’y nanunungkulan. At sana’y walang tarantadong magsisibak sa kanya para lang hindi ito magtagumpay.

GIYERA SA MEXICO

Kung pag-aaralan ang giyera ng Mexico laban sa droga, nagsimula ang madugong kampanya noong 2006 at hanggang ngayo’y nagpapatuloy ito.
Nasa 10 taon na ang giyera pero tuloy pa rin. Ang target ng gobyernong Mexico ay durugin nang husto ang mga kartel sa droga na humahawak ng halagang $49.4-billion o P2.25-trilyon na halos katumbas ng taunang badyet ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas.

Natatagalan ang laban dahil konektado ang mga kartel sa droga sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan, kasama na ang mga nasa kanilang Palasyo, Kongreso, military at pulisya.

Marami ngang pagkakataon na mas makapangyarihan pa ang mga kartel kaysa sa mga opisyal ng pamahalaan dahil sa konek ng mga ito sa military at pulis-Mexico na armado.

120 PATAY, 27,000 MISSING

Mula 2006 – 2013, umabot na sa 120,000 ang patay at nasa 27,000 ang missing sa kampanya ng Mexico laban sa droga.

Ibig-sabihin, mga Bro, iba pa ang mga napapatay mula 2013 hanggang sa taong ito.

Siyempre pa, hindi kabilang sa rekord na ito ang mga patayan at missing sa ibang bansa na inaabot ng kartel ng Mexico at sa katunayan, umabot na rin ang operasyon nila sa Pilipinas.

Ang Estados Unidos ang pangunahing merkado ng drogang cocaine, shabu at iba pa dahil alambreng bakod lang ang pagitan ng dalawang bansa at ang daming nalululong na mga Kano sa droga.

SA PILIPINAS

Sa Pilipinas, mula sa daan-daan o libo-libo noong panahon ng mga base militar sa Pampanga at Olongapo-Bataan area noong dekada 60-70, umabot na sa pitong milyon umano ang adik at pusher sa buong bansa ngayon kaya naman karamihan sa mga krimen na nagaganap ay konektado sa droga.

Rape, murder, homicide, nakawan, holdapan, carnapping at korapsyon na rin.

Hindi kasama rito ang mga druglord na may sarili ring kartel. May kartel ng mga druglord batay sa ulat ng ating mga uzi at nagagawa nila ito sa tulong ng mga pulis, military at politikong kanilang kasabwat bilang mga druglord at protector na rin.

Hindi kaila sa lahat na hindi libre sa droga ang Senado at Kongreso, maging ang Camp Crame at Camp Aguinaldo.

May mga anak o miyembro pa nga ng pamilya ng naging mga Pangulo ng Pilipinas o presidentiable sa mga halalan ang nasasangkot din sa droga ngunit isinisiper lang ang bunganga ng mga nakaaalam nito.

Ang matindi pa, may ilang nanalong Pangulo ng Pilipinas sa tulong ng mga druglord na nagkokontribusyon para sa kampanya ng mga ito sa mga halalan.

Ganyang katindi ang droga sa Pilipinas na noong taong 2000 ay umabot na ang halaga sa P250-bilyon na naging P500-bilyon makaraan ang ilang taon at malamang na lalong lumaki sa mga panahong ito.

KAHARAP NI DIGONG

Ang nasabing kalagayan ng bansa sa droga ang kaharap ni Mayor President Digong ngayon.

Milyon-milyong adik, daan-daan o libong druglord, maraming alagad ng batas at opisyal na druglord o protektor at bilyon-bilyong gastusin ng mga sangkot na pangkontrol na rin sa mga piskal at hukom, kasama na ang mga opisyal ng mga kulungan hanggang sa National Bilibid Prisons.

Sa ibang salita, mga Bro, nakaugat na nang malalim ng droga sa buhay ng mgaa mamamayan at sa pamahaaan.

Ala-Mexico pa nga ang kalagayan natin kung tutuusin sa patayan ng mga druglord, politiko at alagad ng batas at pagkontrol ng ilang druglord, lalo na sa mga ilang lokal na pamahalaan.

Alalahaning may mga pulis at militar na nagiging badigard pa ng mga politikong druglord at protector.

PATAYIN SILA

Target ni Mayor President Digong na ubusin ang lahat ng mga makikilalang malalaking druglord at protector-kasabwat ng mga ito.

Dalawa lang ang pagpipilian ng mga anak ng tipaklong na ito na pupunntahan: kulungan o sementeryo.

Isusulong ni Duterte ang parusang bitay na may kasamang pagbigti sa pamamagitan ng lubid at pupwede pang ipakita sa mga mamamayan ang pagbitay gaya ng ginagawa sa ibang mga bansa, lalo na sa mga Arabo.

Kung didiskarilin ng mga mambabatas ang batas para sa parusang bitay, may iba pa ring paraan para malipol ang mga salot na ito: shoot to kill …kung lalaban sa mga pag-aresto.

Sa tulong ng buong bayan at para sa kapakanan na rin ng lahat, sana magiging matagumpay ang laban ni Digong sa droga.

Paano naman kaya ang korapsyon?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>