Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DISIPLINANG DUTERTE

$
0
0

NGAYON pa lamang ay naghahanda na ang ilan nating kababayan sa gagawing pagbabago sa kanilang pag-uugali at nakasanayan bago pa man makaupo bilang Pangulo ng bansa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Marami kasing gustong gawing pagbabago si Duterte katulad na lamang ng speed limit sa mga pangunahing kalsada, pagkakaroon ng liquor ban, pagbabawal sa magdamag na paggamit ng videoke, pagkakaroon ng curfew sa mga kabataan, drunk driving, pagsugpo sa krimen at iba pa.

Ilan lang ito sa pinaghahandaan ng ating mga kababayan dahil tiyak na may kahaharapin tayong kaso sakaling lumabag tayo sa alin mang batas na ipatutupad ng papasok na administrasyon ni Duterte.

Sa ganang akin, mas mabuti na rin na may pinangingilagan tayong mga Filipino para naman galangin natin ang batas na umiiral at isa rin itong paraan upang magkaroon tayo ng disiplina na maaaring maging dahilan ng ating pag-unlad.

Nakaiinggit kasi ang mga bansang may disiplina ang mga mamamayan tulad na lamang ng mga kababayan natin sa Asia na Japan, Singapore, Hong Kong at iba pa na naging dahilan ng kanilang pag-asenso.

Lahat kasi ng naninirahan sa mga bansang ito ay sumusunod sa ipinaiiral na batas at hindi rin sila nagmamalabis sa kanilang karapatan at ito sana ang gusto nating mangyari sa ating mga kababayan.

Sa tingin din ng nakararami na maganda ang maibubunga ng mga pagbabagong mangyayari sa ating bansa kapag si Duterte na ang nakaupong Pangulo ng bansa dahil ngayon pa lamang ay pinag-uusapan na ng ating mga kababayan kung paano sila susunod sa mga ipaiiral na batas.

Ito na ang sinasabi ng kampo ni Duterte na pagbabago tulad ng kanyang ipinangako sa kanyang mga campaign rally sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa pamamagitan din sana nito ay matuto na tayong mga Filipino na gawin ang tama at iwaksi ang mali para na rin sa tunay na pagbabago na gustong mangyari ng ating bagong halal na Pangulo. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>