AFTER working with the incoming Agriculture Secretary for quite a time in LAKAS NUCD Media Bureau, farmer and mediaman EMMANUEL PIÑOL must have had a portfolio working in Malacañan. But he refused and prefer to be an ordinary man in the street then.
Mas kilala si Sec. PIÑOL bilang isa sports writer, sports leader in boxing, a farmer but was forced to join the local politics dahil na rin sa hiling ng mga taga-North Cotabato. Natapos niya ang buong tatlong termino nang makulay at nakinabang ang mamamayan doon.
Ang totoo, nang manalo na si incoming President RODRIGO DUTERTE nitong katatapos na eleksyon, nagkausap muli kami, I congratulated him saying, “welcome back to Malacañan..” Pero mabilis na nagsabing ayaw niyang magtrabaho sa Malacañan.
Well, I respected him that time pero I assured myself, hindi siya pakakawalan ni MAYOR DIGONG. And I was right! Siya ngayon ang bagong KALIHIM NG KAGAWARAN NG AGRIKULTURA (DA).
Ito ang matitiyak ko sa ating mga MAGSASAKA. Magsaya kayo dahil si Sec. MANNY ay hindi basta lider anoman ang kanyang pamunuan.
Masayahin siyang tao at malulutong ang kanyang tawa sa oras ng pahinga at biruan pero seryoso sa kanyang mga trabaho.
He is a genuine farmers’ leader. But still, katulad ng mga nauna kong panawagan, dapat tulungan ng bawat magsasaka si Secretary PIÑOL. Ibigay ang alam ninyong mga pang-aabuso ng nagdaang lider sa DA pati ang kanilang mga tauhan na nakikipag-ugnayan sa inyong sektor pero sindikato ang totoong ginagawa.
Sino ang mga namimili na tao ng KARTEL ng mga butil – bigas, mais, beans, at mga kauring produkto. Ibigay ang mga pangalan ng mga kilalang rice hoarders at smugglers. Walang makatutulong sa inyong hanay kundi kayo rin.
Mag-organisa kayo. Gawing simple ang organisasyon at operasyon para mas madali umabot ang tulong sa inyo. Modernong pagsasaka ang mangyayari sa liderato ni SEC. EMMANUEL!
Ayaw natin siyang pangunahan pero knowing him, muling yayabong ang mga magsasaka sa bansa. Kaya nga binawi niya ang National Irrigation Administration (NIA) at National Food Authority (NFA) para maiwasan ang sindikato sa dalawang ahensya. Alam niya ang kalakaran ng korapsyon at katiwalian doon.
I would say, SEC. MANNY PIÑOL is not an ordinary gem sa bahay ni President RODY. He is a PLATINUM in all aspect of DUTERTE PRESIDENCY. At kayo sa kartel at smuggling, magsilayo na kayo! BALETODO/ED VERZOLA