Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘DI DAPAT PANIWALAAN NI ERAP

$
0
0

MULING nanalo bilang alkalde ng Maynila si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada subalit napakanipis ng kanyang lamang sa dating alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim.

Marami sa mga tao ni Mayor Estrada ang nagpapaniwala sa kanya na ‘landslide” ang magiging panalo niya sa ikalawang pagkakataon sa Maynila subalit naging kabaligtaran ito.

Kung nagkataong hindi tinangkilik ng mga miyembro ng maimpluwensiyang sekta ng relihiyon ang dating Pangulo ay tiyak na lalagapak itong talo sa halalan sa pagka-Alkalde ng Maynila.

Kaya nga sana, huwag na masyadong magpapaniwala ang alkalde sa mga taong nakapaligid sa kanya na walang hinangad kung hindi ang pansariling kapakanan at interes.

May ilang hepe o direktor ng ilang tanggapan sa Manila City Hall na sobra-sobra kung gamitin ang pangalan ni Mayor Erap para lang kumita ng malalaking pera.

Meron ngang hindi naman nakatalaga sa City Hall pero siya ang kumakausap sa mga negosyante lalo na sa mga Chinese na siya na lang ang maglalakad ng building permit at business permit ng mga ito. Maging ang real property tax ng ilang negosyante ay siya rin ang nagpiprisintang magbabayad dahil malaki umano ang kanyang madi-discount.

Pero ang kapalit ng discount na daang libo ang halaga ay halos kalahati ng na-discount. Sa madaling salita, nawawalan ng kita ang city hall pero ang opisyal na ito’y paldo ang bulsa.

Ipinagyayabang pa ng hepe na ito na malakas siya kay Mayor Erap dahil inirekomenda siya ng anak ng alkalde na si Sen. Jinggoy Estrada. Madalas umano niya itong dalawin sa Camp Crame at pasalubungan ng alimango at lechon.

Mabait lang si Mayor Estrada kaya hindi na nito pinapansin ang mga katarantaduhan at pambubukol ng hepe na ito. Nakapagtataka lang na bagaman malaki ang kinikita ng opisyal na ito ay madalas pa rin siyang mangutang sa isang pulis ng Quezon City.

May pagkakataon pang tinataguan nito ang maniningil dahil walang pera. Eh, saan napupunta ang perang kinupit nito? Siyempre, sa sabong at karera. Lulong kasi sa sugal ang opisyal na ito.

Kaya nga para mapagbuti ni Mayor Erap ang serbisyo sa mga mamamayan, dapat ay sibakin na ang mga tiwaling opisyal at empleyado ng Manila City Hall na walang ginawa kung hindi pakapalin ang laman ng kanilang bulsa.

Ang mga ulol kasing ito na walang ginawa kung hindi gasgasin ang pangalan ng alkalde, ang kalawang na sumisira sa magagandang layunin at ginagawa ni Mayor Erap. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>