Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247
↧

SENIOR HIGH KULANG SA SILID-ARALAN

$
0
0

PINAGPAPALIWANAG ni Senator-elect Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) tungkol sa kakulangan ng mga silid-aralang magagamit ng mga senior high school sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 2016.

Noong 2013 pa kasi naipasa ang pagkakaroon ng senior high school ngunit bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang mga school building na gagamitin ng mga mag-aaral at lumalabas pa na 10 – 20% ang hindi pa natatapos na mga silid aralan sa National Capital Region (NCR).

Kung noon pa sinimulan ng pamunuan ng DepEd ang pagpapagawa ng nasabing mga school building ay dapat sa ngayo’y handang-handa na ito at maaari nang gamitin ng mga nasabing mag-aaral sa senior high school.

Nangako pa nga noon si DepEd Sec. Armin Luistro na magagamit na ng mga mag-aaral ang karagdagang 30,000 classroom ng Grade 11 ngunit nasaan na ang sinasabing ito ng kalihim gayong sa susunod na buwan ay magsisimula na ang pagbubukas ng eskwela?

May ulat pa na sinasabing nagkaroon ng delay sa proseso sa pagpapatayo ng mga school building kaya hindi agad ito nasimulan at sinabi pa ng DepEd na may sapat na pondo para sa pagpapatayo ng mga gusaling ito.

Nagtatanong tuloy ang mga magulang ng mga papasok na senior high school kung saan ilalagay ng DepEd ang kanilang mga anak kapag nagsimula na ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 13?

Malamang ay hindi natutukan ng DepEd ang pagpapagawa ng mga bagong gusali kaya’t lumipas ang panahon na hindi ito naipatayo?

Sang-ayon tayo kay Senator-elect Win Gatchalian na dapat na malaman ng taumbayan kung bakit hindi natapos ang mga bagong gusaling gagamitin ng Grade 11 students samantalang ipinagyayabang pa nga ng DepEd na bago magpasukan ay tapos na ito.

Kapag nagkataon ay kawawa ang mga estudyante na walang magagamit na classrooms sa pasukan na natapat pa naman sa panahon ng tag-ulan.

Abangan na lamang natin kung ano ang gagawin ng DepEd sa mga senior high school na walang magagamit na classrooms pagdating ng pasukan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO

↧

Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>