Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANG-34 SI BALCOBA AT GOODBYE, PNOY

$
0
0

PALUSAW na ang administrasyon ni Pangulong Noynoy pero may inihabol pang kaso ng media killing para maging 34 lahat ang biktima sa ilalim nito.

Lumagpas na ang Aquino administration sa 32 biktima ng Ampatuan massacre noong panahon ni ex-Pangulong Gloria.

Huling biktima si kapatid na Alex Balcoba, ng People’s Brigada, na pinatay ng riding-in-tandem sa harapan ng kanyang watch repair shop sa sa Quiapo, Manila.

Paalam, kapatid na Alex, bilang pang-174 na biktima ng media killings simula noong naibalik ang kalayaan sa pamamahayag noong 1986!

TINIYAK NA PATAY

Tiniyak ng killer na patay si Balcoba sa paggamit ng baril at pamamaraang walang palya.

Sa isang putok sa ulo mula sa likod at dikitang pagbaril, natumba agad si Alex at hindi na ito umabot pang buhay sa ospital.

Salamat sa mga mabilis na sumaklolo kay Alex kahit traysikel lang ang ginamit sa unang pagbiyahe sa kanya.

Ngunit ang pangahas na pamamaril sa kanya ang nagtagumpay.

KONEKTADO SA TRABAHO

Hindi pa alam ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pagpatay kay Alex.

Sabi ng mga parak, maaaring personal o konektado sa trabaho niya bilang mediaman ang krimen.

Pero anoman ang dahilan ng pagpatay sa kanya, dapat lang na matukoy o makilala ang mga bumaril sa kanya at maiharap sa hukuman para maparusahan.

Agarang konektado sa dalawa o mahigit pa na paglabag sa batas ang ginawa ng mga killer.

Sakop pa ang mga ito ng gun ban na nagsimula noong Enero 10, 2016 at magtatapos sa Hunyo 8, 2016.

Ikalawang violation ng mga ito ang posibleng kasong murder lalo’t lumalabas na patraydor ang pagbaril sa biktima.

Sa parte naman ng mediamen, may paniniwalang konektado ang pagpatay sa kanyang trabaho lalo’t malaki ang paniniwala na ang ilan sa death threat na natatanggap nito ay may kaugnayan sa kanyang propesyon bilang mediman.

MABIBILANG SA DALIRI

Mabibilang sa daliri ang masasabing natagumpay na nalutas ng gobyernong Aquino ukol sa media killings.

Sa 34 na pagpatay sa ilalim nito, ilan ba ang nalutas nina PNoy?

Ang masakit pa, hindi iilang beses na mismong si PNoy ay nagsabing sariling kagagawan ng mediamen ang kanilang kamatayan.

‘Yun bang === walang masisi kundi ang mediamen mismo kung bakit sila pinapatay?

Ipagpalagay na lang na may mga indiscretion o pagkakamali ang mediamen, pero ang paglutas mismo sa pagpatay, nasaan ang aksyon ng gobyernong Aquino?

NAGMAMALAKI

Ipinagmamalaki ng Aquino administration ang nagawa nito at hinahamon ang susunod na administrasyon na higitan ang nagawa nito.

Anak ng tokwa, kasama ba ang kanyang ipinagmamalaki ang laki ng bilang ng mga napatay na mediamen sa panunungkulan nito? At nais nitong higitan ng darating na gobyerno ni Mayor President ang dami na napatay na mediamen sa kanyang administrasyon?

Kung naging manhid ang administrasyong Aquino mismo sa mga minasaker na Special Action Force at mga biktima ng Yolanda tragedy, hindi nakapagtatakang ganito rin ang ipinakikita niya sa mediamen.

Tutal, hindi naman kasing-importante ang mediamen, kahit pa ang kanyang mga pulis na SAF 44, kumpara sa halaga ng mga multinational company at mayayamang nakatira sa Two Serendra condominium sa Bonifacio Global City.

Agad na sumugod si PNoy mismo makaraang sumabog ang isang unit sa Two Serendra na ikinamatay ng tatlo katao.

Naroon namang nakikisaya sa pagbubukas ng Mitsubishi Corporation si PNoy habang dumarating ang mga bangkay ng SAF 44 na minasaker sa Maguindanao noon.

Mabilis ding ginagamit ng kung sino-sino ang mga presidential chopper sa kasagsagan ng kampanya sa halalang 2016 pero hindi man lang pinalipad ang mga ito, sakay sana si PNoy, para mag-inspeksyon sa apat milyong sinalanta at nasa 7,000 patay sa bagyong Yolanda.

GOODBYE PNOY

May isang buwan pang mananatili sa Malakanyang si PNoy at ang kanyang mga tsuwariwap.

Parang ang pakiramdam ng marami ay 1,000 libong taon pa ang isang buwan.

Sa laki ng kapalpakan ng administrasyon nito, gusto nang makita ng marami na hindi na dapat magtagal pa sa Malakanyang ang anak ng Hacienda Luisita massacre, Mendiola massacre, Lupao massacre, Luneta massacre, SAF 44 massacre, Lumad massacre at Kidapawan massacre at media killings.

Lamang, patakaran ang nagtatakda para manatili pa rin ang mga anak ng tipaklong ito sa Malakanyang.

Sana naman, sa kanilang paglisan sa Malakanyang, dala-dala na nila ang mga anino at kaluluwa ng mga masaker at media killings at huwag nang bumalik pa ang mga ito.

Sana, kung paano nilalayasan ng inyong mga kapartido ang Liberal Party, ganito rin ang paglayas ng mga kamalasang dumapo sa mga Filipino sa nakalipas na anim na taon ng inyong panunungkulan.

Goodbye, PNoy at ang iyong mga kaklase, kabarilan, kamag-anak, kaibigan at kung sino-sino pang mga KKK.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>