Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BODY SCANNER SA NAIA, ‘WA SILBI

$
0
0

DIYOS ko pong mahabagin, nasasayang lang ang 14 na ‘full body scanners’ na pinaglaanan pa naman ng pondo ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng halagang P150-million.

Aba’y, magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito pinagagamit sa Office for Transportation Security (OTS) personnel at tila bubulukin lang ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Biruin ninyo, noong August 2015 pa inilagay ng MIAA ang body scanners sa NAIA terminals para po pangasiwaan ng OTS na awtorisado sa seguridad ng transportation system.

Sa napag-alaman nating impormasyon mula isang empeyado ng OTS na nakatalaga sa NAIA 1 departure area final security screening checkpoint, hindi raw gumagana ang ikinabit na 3 EQO model portals, at ang masakit pa rito ay palaging nasisira.

Asus ginoo, bakit ba nagkakaganito ngayon sa NAIA?

Ipaaayos nga ang body scanners pero hindi pa nakakaisang linggo ay sira na naman kaya hayun huminto na naman.

Ang matindi pa rito, dinedipensahan pa ni NAIA 3 Terminal Manager Engr. Ricardo Medalla alyas Kidlat, ‘yung full body scanners na nakalagay sa terminal na gumagana raw.

Gumagana nga ang full body scanners pero hindi naman magamit-gamit ng mga taga-OTS personnel dahil kung gagamitin nila ay wala naman umanong nakaaalam kung paano ang pag-o-operate ng mga ito.

Ay naku…tangna naman oh. Hehehehe!

PAIHI SA SAN JOSE, PADER NGA BA KAY PD?

Namamayagpag pa rin ang oil pilferage o pagpapaihi ng mga produkto ng petroleum sa San Jose, Batangas ni Kap. Felix.

Hindi matibag ang sindikatong ito ni Kap. Felix dahil sa malakas siya kay Batangas PD Supt. Arcadio Ronquillo.

Ibang klase kasing magpadulas itong si Kap. Felix kay PD kaya naman ubod ng dulas ang ginagawang pagpoproteksyon ng mga bata ni PD Ronquillo kay Kap. Felix.

Totoo kaya ito, PD Ronquillo?

Tangna n’yo. Hehehe!

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189273764, 09266719269 i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>