KUMBAGA sa buhay-karpintero, ang Commission on Human Rights (CHR) ay tuwirang kong sinasabi na wala sa tamang hulog! ‘Yung wala sa asinta kaya bingkong ang postura nila kung hindi man, sadyang mga tanga.
Tungkol ito sa paulit-ulit at pinipilit na maling ugali raw ni incoming President RODRIGO ROA DUTERTE sa pagbibiro tungkol sa babaeng misyonaryo mula sa Australia na ginahasa at pinatay ng mga kriminal sa Davao Penal Colony noong 1989.
Akala ko matalino at may tino itong si CHR Head Chito Gascon. Totoo nga pala, mapera lang at may panggastos para maabot kung nasaan man siya ngayon.
Mr. Gascon, magsaliksik ka kaya at basahin ang mga diyaryo noong 1989 tungkol sa nangyari sa Davao Penal Colony. Ang pinagsamang pwersa ng militar at pulisya sa kolonya ay hindi kayang pasukin, kausapin at pasukuin ang lider ng mga kriminal.
Dahilan para ipasundo ng noon ay Pangulong Cory Aquino si “Vice Mayor” Duterte para tulungan ang mga sundalo at pulis. Walang kiyeme, pinasok niya ang kolonya, alam niya na sobrang siga ang grupo nina PUGOY kaya, taktika niya, tapatan ang pagkasiga nila.
Sa loob, salitang siga ang ginamit niya na minura ang grupo ng mga kriminal. Isa-isa ay tiningnan niya ang mga biktima. Nakita ang buhay na magtiyahin. Ang bata ay bagong silang. Gamit ni PRESIDENT DUTERTE noon ang salitang kanto dahil HARDENED CRIMINALS ang mga kaharap niya.
Nakuha ang loob ng mga kriminal sa inasta ni DUTERTE. Pinakawalan ang magtiyahin at doon niya nasabi ang “put…ina…, ang gandang babae nito, dapat mayor ang nauna…!”
Naranasan na ba ninyo, kayong mga taga-CHR na tumira kahit buong maghapon sa lugar ng mga kriminal? Kumain nang hubad, nakakamay na marumi pa? Kaya ba ninyo makipagpalitan sa kanila ng mura para lang tanggapin bilang kakosa?
Puro kayo salita! Kesyo kahit kriminal at tulisan ay mayroon pa rin dapat karapatang-pantao? Punyeta! Puro residibista o paulit-ulit sa paggawa ng krimen ‘yung mga hiniya ni Tanauan, Batangas Mayor Tony Halili! Pumunta kayo sa kanyang opisina para basahin ‘yung mga ebidensiyang sulat na pinagbabago na sila.
Maski ‘yung mga pinapatay, hindi na kaya ang isang litanya ng rosary sa dami ng ulit ng paggawa nila ng krimen. Anong karapatang-pantao pinagngangangawa ninyo? Tapos kakasuhan ninyo ang mga pulis? Tahimik kayo tuwing may mga biktima ang mga kriminal?
You are all sick! COMMISSION ON HUMAN RIGHTS IS VERY, VERY, VERY SICK!!! BALETODO/ED VERZOLA
