Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TUNAY NA KAPAYAPAAN DAPAT ISULONG NG LAHAT

$
0
0

PANAHON na para isulong natin ang pambansang kapayapaan para naman masimulang paunlarin ang lahat ng sulok ng bansa.

Kung tutuusin, kumplikado ang mga pagdaraanang hakbang subalit kung pursigido talaga ang lahat para sa pagtatatag ng kapayapaan, lahat naman ng bagay ay pupwedeng mapag-usapan.

PANIMULANG HAKBANG

Magaganda ang mga panimulang aksyon ng mga lider ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa ilalim ng susunod na administrasyon.

Partikular sa pagitan ng mga rebeldeng komunista at pamahalaan, naririyan ang inisyatiba mismo ni Mayor Rodrigo Duterte para sa pag-uusap para sa kapayapaan na tinanggap ng una.

Ang totoo, naririto na sa bansa ang ilang lider ng mga rebolusyonaryo at nakikipag-usap habang inihahanda na rin ni Duterte ang pagbiyahe ng mga representante nito sa Oslo, Norway para kumbinsihin ang katulad ni Jose Maria Sison na umuwi na lang sa bansa.

PAGLAYA NG MGA DETENIDO

Hindi masama na palayain ng magkabilang panig ang lahat ng kanilang mga detenido o bilanggo bilang senyal ng tunay na intensyon para sa pagtatatag ng kapayapaan at pagkakaisa.

Sinasabing may 500 detenido ng gobyerno na nakakalat kahit saan sa mahal kong Pinas.

Kung pag-aaralan ang kaso ng mga ito, konektado ang lahat sa rebolusyong kanilang isinusulong.

Pero hindi makalaya-laya ang mga ito dahil sa wais na taktika ng gobyerno na kasuhan ang mga ito ng mga ordinaryong krimen at balewalain ang pagsakop ng krimeng pulitikal sa kanila.

Sa taktikang ito, kahit magkaroon ng pagkakasundo sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde, mananatili sa selda ang mga detenido.

Kaya magiging imposible ang pagkakasundo at tuloy ang giyera.

GAGAMPANAN SA GOBYERNO

Naging inisyatiba rin ng papasok na administrasyon ang pagbibigay ng poder at tungkulin sa mga rebelde at malugod ding tinanggap ito ng huli.

Maaari umanong mapa-sakamay sa mga rebolusyonaryo ang ilang sensitibong departamento gaya ng sa paggawa, repormang agraryo at kapakanang panlipunan.

Kung iisipin, ang mga usaping paggawa, agraryo at panlipunan ang itinuturing na impiyerno sa nakararaming Pinoy.

Impiyerno para sa mga obrero ang kontraktuwalisasyon, sa mga magsasaka ng kawalan ng sariling lupa at sa kalahatan ng lipunang Filipino, ng malawakang gutom at hirap.

Sa katunayan, ang gutom at hirap ay matatagpuan sa hanay ng mga obrero, magsasaka at iba pa na bumubuo ng mahigit sa 70 porsyento ng kabuuang 100-milyong populasyon ng bansa.

Tamang-tama na sila ang ipinaglalaban ng mga rebelde noon hanggang ngayon.

MGA HARANG

Tiyak na magkakaroon ng mga harang sa usapang pangkapayapaan, lalo na ang mga ayaw sa pagbabago.

Kabilang sa mga inaasahang magiging bantulot sa pagkakasundo ang mga ayaw mabuwag ang kontraktuwalisasyon, ayaw magkaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka at ayaw umahon sa kahirapan ang maraming Pinoy.

Pero may iba pang harang na kung kumilos ay may kakayahang patalsikin mismo kahit si Mayor Digong bilang Pangulo at pabalikin sa kasalukuyang sistema ang lahat.

Sila ang mga dayuhan at lokal na negosyante na may hawak sa mga pinakamalalaking negosyo sa bansa mula sa langis, kuryente, telekomunikasyon, transportasyon, bangko, corporate farm at asyenda, media, minahan, armas pandigma, bakal hanggang sa gamot, pagkain at iba pa.

Ang mga Kano ang may pinakamalalaking interes sa negosyo sa Pinas at pinakamatindi sa lahat ng manghaharang na alam naman ng lahat.

MAGTULUNGAN

Gusto man natin o hindi, hindi madaling kamtin ang mga pagbabagong nais ng mga nasa pamahalaan at rebelde sa harap ng nasabing mga manghaharang.

Maging ang usaping pangkapayapaan nga mismo ay pupwedeng madiskaril anomang oras.

Lalo na kung iisipin na ang usapang pangkapayaan ang pagsisimula ng pagbabago na rin sa mga sistemang ayaw pabago ng mga manghaharang.

Kung ganoon, isa sa mga dapat na gawin ng pamahalaan at rebelde ay pagsumikapang palakasin ang kanilang sarili at mahigpit na magtulungan tungo sa pagbabago.

Dapat din nilang himukin ang mga mamamayan na makilahok sa anomang kanilang gagawin.

Hindi dapat gawing tagapanood lang ang nakararaming mamamayan at hayaan silang mag-antay lang ng anomang ibubunga ng lahat.

KAMPANYANG IMPORMASYON

Isang mahahalagang hakbang upang mahimok ang nakararami na makilahok sa nais nating pagbabago ang kampanyang impormasyon at edukasyon.

Lalamnin ng impormasyon at edukasyon ang pagpapahalaga sa mga dahilan kung bakit kinakailangan ang usapang pangkapayapaan, pagkakasundo at pagkakaisa.

Lalamnin din nito ang mga paglilinaw sa posisyon ng mga manghaharang sa pagbabago.

Kung sa bisa ng impormasyon at edukasyon ay mapalalahok ang nakararami sa lahat ng gusto nating pagbabago na pasisimulan ng mga rebelde at gobyerno, makaaasa tayo ng tagumpay.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>