Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SENATE PRESIDENT VILLAR?

$
0
0

KALABISAN na [raw] kung si Sen. Cynthia Villar pa ang makakukuha ng basbas ni President-elect Rody Duterte upang maging pangulo ng Senado.

Ito ang banggit sa akin nang minsa’y makahuntahan ko ang isang kaibigan na lumalangoy ngayon sa batis ng pulitikahan sa bansa lalo ngayong papasok na ang bagong administrasyon.

Hindi maiaalis sa isipan ng marami na bilang pinuno ng partido ni Duterte ay umaasa naman siguro itong si Sen. Koko Pimentel na siyang makasusungkit ng nasabing trono.

Isa pa siyempre itong si Sen. Alan Peter Cayetano na kinakikitaan din ng pagiging malapit sa kusina ni Duterte na mula noong makaraan ang halalan ay hindi na [yata] umalis sa anino ni Digong.

Aba’y nagparamdam din naman itong si Tito Sen na tila naglalaway din sa nasabing trono bagaman sinasabi na malabo niyang masungkit ito dahil hindi naman daw siya lehitimong kasabwat ni Duterte.

Kung si Sen. Villar ang papalit sa trono ni Sen. Franklin Drilon ay ‘di malayong magulat ang marami tulad na lang ng nangyari nang damputin ni Duterte ang anak nitong si Mark Villar para pamunuan ang DPWH.

Hindi biro iyon! Isa ang DPWH sa mga nangunguna kabilang ang ang DepEd at DOH kung ang pag-uusapan ang bilyon-bilyong pondo ng ahensiya kada taon at madalas maging laman ng balita patungkol sa kurakutan.

Masasabi [ba] natin na kalabisan na kung isang Villar muli ang makakukuha ng pabor sa ilalim ng administrasyon ni Duterte samantalang ‘di naman natin alam ang naging usapan ng pamilya Villar at Duterte nitong panahon ng halalan.

Tandaan lang nating magiging mahalaga ang papel na gagampanan ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa tahasang pahayag ni Duterte na baguhin ang sistema ng gobyerno ng ating bansa.

Upang masiguro ni Duterte na kanyang makakamit ang pagbabago sa sistema ng gobyerno patungong Federal Parliamentary ay kailangang kontrolado nito ang Kongreso at Senado.

Pero alam ba ninyo ang posible pang mangyari sa ating pulitika sa bansa kapag babaguhin nila ang nasabing sistema? Matutuwa ang mga politiko…

Abangan!

***
Sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>