Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LIBRENG GAMUTAN SA FORBES MAKATI NGAYONG SABADO

$
0
0

MAGDARAOS ng isang “Libreng Gamutan” ang Santuario de San Antonio Parish ng Forbes, Makati City katuwang ang Catholic Womens League (CWL) ng nasabing parokya sa June 4, 2016, ngayong darating na Sabado.

Ito’y bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Antonio de Padua, napatanyag bilang Evangelical Doctor ng Universal Catholic and Apostolic Church at kilalang patron ng mga nawawalang bagay o tao, ngayong buwan ng June 13.

Bukas ang nasabing medical mission sa mga residente ng Makati City. Magpalista lamang mula ika-6:00 hanggang ika-10:00 ng umaga sa araw na iyon dahil hanggang 1,000 pasyente lamang ang nakatakdang mapagkalooban ng medical services na kabibilangan ng medical consultation (adult at peditrician); paps smear; ophthalmology (cataract at glaucoma screening); ear, nose and throat examination (ENT); surgery kabilang ang pagtutuli at cyst removal; at dental services.

Magkakaroon din ng libreng electrocardiography (ECG), X-ray at ultrasound. Mamimigay din ng libreng eye glasses at mga gamot na irereseta ng mga titinging doktor.

Tandaan, para lamang po ito sa mga nakatira sa Makati City.

LIBRENG PAG-AARAL NG WIKANG HAPON PARA SA CONSTRUCTION WORKERS

Magandang balita para sa mga kalalakihan na nakapagtapos ng high school, nasa 20 hanggang 35-taong gulang at walang tattoo.

Magkakaroon ng isang buwang pag-aaral ng Japanese language na may Php100.00 na allowance bawat araw na may libreng tirahan o matuluyan.

Ang mga construction workers ay may anim na buwang pagsasanay sa Dasmariñas, Cavite.

Ang pagsasanay na ito ay naaayon sa kalidad ng Construction Japanese Company na kikita ng P340.50 kada araw sa loob ng walong oras na may libreng tirahan o matutuluyan.

Kapag nagpakita ng magandang katangian sa loob ng anim na buwang pagsasanay magkakaroon ng oportunidad para sa aktuwal na pagsasanay sa bansang Japan nang tatlong taon at kikita ng P35,000 – P40,000 kada buwan at may libreng tirahan.

Para sa karagdagan impormasyon: Maaaring tumawag kay Ms. Ayda Z. Zoleta sa +63-998- 9703825 o magpasa ng resume sa aydazol@yahoo.com (iCareerup, Inc). ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>