Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BANGKAY BULOK NA, BENEPISYO WALA PA

$
0
0

BASAHIN natin ang panaghoy ng ilang Overseas Filipino Worker sa mabagal na usad ng pagbibigay ng benepisyo sa mga naulila ng mga namatay sa ibang bansa ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ng benepisyo.

Basahin natin ang nilalaman ng bukas na liham sa SSS, DFA, Philippine Embassy-Riyadh at OUMWA:

Mga Ginoo/Ginang sa nasabing tanggapan.

“Dapat bang dalhin muna ang bangkay ng isang OFW sa tanggapan ng SSS at OUMWA – DFA bago ilibing upang matiyak na makuha ng mga naulila ang mga benepisyo na dapat ay para sa kanila?

Si Jimmy Aguirre Magat na isang OFW ay namatay noong Nobyembre 2015 sa Saudi Arabia.

Ang kanyang mga labi ay nakauwi noong Enero 2016. Ang mga papeles na napasakamay ng mga naulila ay ang No Objection Certificate ng Philippine Embassy upang mapauwi ang bangkay; Embalming Certificate ng mga aworidad ng Saudi; Death Certificate; Passport Copy at ang AWB copy. Lahat ay mga kopya lang – walang original.

Ang mga benepisyo na dapat tanggapin ng mga naulila ay pera na final settlement mula sa kompanya ng DFA-OUMWA at SSS benefits ay hindi pa nakukuha magpahanggang ngayon.

Ang dahilan – hindi maibigay ng embahada ang original death certificate o maisumite ang anomang papeles man lamang upang pagtibayin na ang nasabing OFW ay patay na.

Ipinaalam sa Philippine Embassy ang tungkol sa OFW noong 11 March 2015 dahil na rin sa pakiusap ng mga kaanak.

Ito’y sa pamamagitan ng e-mail at naka-address ito kay Ginoong E. Tago (Philippine ambassador sa KSA), copy furnished ang DFA; OUMWA; DOLE; OWWA at SSS.

Tinawagan din ang pansin si Danilo Calupe (Foreign Representative & Area Head for SSS – KSA) sa pamamagitan ng e-mail at tawag sa +966554782440.

Suwerte na kung sagutin ang tawag.

Ang kanilang karaingan: pabalik-balik sila sa OUMWA – DFA na nagsabing dapat daw sila ang mag-follow up sa embahada.

Ayaw ding tanggapin ang kanilang aplikasyon para sa SSS benefits.

Upang mapabilis ang proseso ay ipinadala sa mga nasabing tanggapan sa pamamagitan ng e-mail ang mga xerox copies na hawak ng mga kaanak.
(ITUTULOY)

OIL PILFERAGE MALAKAS KAY MAYOR AT SA KAPULISAN

Wala pa ring tigil ang ginagawang oil pilferage o pagpapaihi nitong si Palos D. sa Diversion Highway, Batangas City dahil wala siyang bukambibig kundi si Batangas City Mayor Dimacuha kaya ganon na lang katibay ang ginagawang pagnanakaw nito.

Nasaan ang kapulisan ng Batangas City?

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>