Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MMDA, QC GOV’T: TINGNAN NINYO ANG KITID NG SIDEWALK

$
0
0

WALA na raw maraanan ang mga residente sa sidewalk sa EDSA, Cubao, Quezon City dahil sa nakahambalang na mga illegal vendor at ang napakataas na bakod ng isang ginagawang gusali.

Ang matindi rito, simula nang itayo raw ang bakod ay simula simula na rin ng pagsisikip ng sidewalk dahil kinain na nito ang espasyo para sa mga dumaraan.

Ang siste pa, sumikip na nga ang sidewalk, unti-unti namang nagsulputan na animoy mga kabute ang mga illegal vendor dahilan para sumikip ang sidewalk at wala nang madaanan ang mga pedestrian. Ay naku.

Walang ginagawang aksyon ang mga ahensiya na dapat na umaksyon gaya ng Metro Manila Development Authority (MMDA), maging ang Quezon City Building Official at Department of Public Order and Safety (DPOS).

Tila bulag ang mga nasabing opisyal dahil hindi nila nakikita ang paghihirap at kapahamakan na mangyayari sa mga pedestrian na dumaraan sa nasabing sidewalk ngunit sa gitna ng kalye ng EDSA dahil wala na ngang sidewalk.

Hello, MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos, Quezon City Building Official chief Gani Versoza at Department of Public Order and Safety chief ret. Gen. Elmo San Diego, nakikita ninyo ba kung ano ang hirap na dinaranas ng mga pedestrian na dumaraan sa naturang lugar at ang panganib na mangyayari sa mga tao na naglalakad sa gitna ng kalsada ng EDSA?

Hindi ba ninyo alam na baka masagasaan ang mga pedestrian ng mga rumaragasang bus sa EDSA dahil sa paglalakad ng mga ito sa gitna ng EDSA?

Mayor Herbert Bautista, tutal kayo na naman ang mayor ng Kyusi, baka naman sa huling termino ninyo ay makalambing ang mga pedestrian na sana’y bigyan sila ng maayos na daanan at hindi iyong sa gitna sila ng kalsada ng Edsa sila dumaraan.

May lagayan bang nangyari, este clearing operation diyan ?

Babantayan namin ‘yan. Hehehehehe.

BOOKIES EMPIRE,DI MATINAG DAHIL SA TONGPATS

Dalawang bayan ng lalawigan ng Batangas ang sinasabing kontrolado ng operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) ng isang Eddie Lara ang hindi mabuwag ng kapulisan ng lalawigan dahil sa malaking tongpats na ibinibigay ng nasabing operator.

Ang mga bayan na may bookies ni Eddie Lara ay ang Mataas na Kahoy at Balite, Batangas na kung saan ay lantaran ang operasyon kaya hindi mabuwag ang “Bookies Empire” ni Eddie Lara sa lugar.

Kakaloka, tangna naman. He..he..he..

***
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>