Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI DIGONG AT KONTROBERSYA

$
0
0

MAGANDANG pag-aralan kung sino ang darating na bagong Pangulo ng bansa, si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte.

May umusbong kasing mga kontrobersya sa pagitan ni Digong at ilang kagawad ng media simbahang Katolika at ilang kapanalig nito, ilang kababaihan at iba pa.

At sa paglabas ng mga kontrobersya, may consistent na posisyon si Digong: pagkapit sa mga batas at sa Konstitusyon sa bawat kilos niya at sa napipintong pagpapatakbo niya ng pamahalaan.

At sa posisyong ito, normal na may mga kontra-posisyon na ang korte na ang maglilinaw kung hindi pupwedeng daanin sa paupo ang isang kontrobersya.

FULL LEGAL RESPONSIBILITY

“I will assume full, legal responsibility as President who ordered you. Just follow strictly what I ordered you to do.”

Pananagutan nang buo ni Mayor President Rodrigo Duterte ang anomang pagkilos ng kanyang mga tauhan mula sa Palasyo hanggang sa mga barangay tanod, pulis, military at iba pa.

Basta istriktong sumunod lang umano ang mga ito sa kanyang mga kautusan, makaaasa ang mga ito ng todo-suporta.

Ang isang gabay umanong dapat malaman ng kanyang mga tauhan ay kung kailan ligal at hindi ligal ang kanilang mga pagkilos upang walang sinomang sasabit sa paggampan nila ng tungkulin, kabilang na ang armadong pakikibaka, lalo na sa droga at krimen.

RESPETO NG IBA

Isa pang malinaw na pagpapairal nito ng mga batas at Konstitusyon ang pagmantine ng magkakahiwalay ngunit magkakapantay na kapangyarihan ng mga organo ng pamahalaan na nilikha ng Konstitusyon, lalo na ang Ehekutibo, Hukuman at Kongreso.

Upang makakilos nang malaya at buo, kailangan niya umano ang karampatang respeto mula sa nasabing mga organo ng pamahalaan.

Kaugnay ito ng tila pambabastos ng mga nasa Kongreso sa mga iniimbitahan nilang resource person na galing sa Ehekutibo sa mga imbestigasyon para sa paggawa ng batas.

Hanggang sa posibleng humantong ang lahat sa krisis sa Konstitusyon dahil sa paghahalo ng balat sa tinalupan ukol sa kapangyarihan ng Ehekutibo, Hukuman at Kongreso.

PROTEKSYON NG KONSTITUSYON

Isa pang pinakakapit ni Digong sa batas at Konstitusyon ang relasyon ng media, pamahalaan at iba pang tao, lalo na sa usaping media killings.

Sinabi rin ni Duterte na hindi maipagtatanggol maging ng Konstitusyon ang korap na mediaman mula sa media killings.

Kapag nasangkot na umano ang mediaman sa extortion, sa pagkiling ng iisang panig at hindi patas na pagbabalita o komentaryo, sa iba pang talagang kwestiyunableng gawain, diyan na magiging inutil ang Konstitusyon sa pagprotekta sa mediaman.

Para sa mga biktima na hindi politiko, kapag naniniwalang binababoy na sila ng mediamen, may galit nang nabubuo at nagiging “lehitimong target na ng pamamaslang” na ang mediaman.

Hindi na mapigilang maituturing nang walang kaibahan ang mediaman sa mga korap sa gobyerno at sangkot sa droga na kailangang mamamatay. At nagaganap ito sa media killings, batay sa kanyang nalalaman.

PARUSANG BITAY

Isa sa mga nakalatag na panukala sa bagong Kongreso ang pagbabalik ng parusang bitay na isang prayoridad ni Duterte.

Paulit-ulit niyang sinasabing kung sisirain mo ang bansa at mamamayan, kabilang na ang mga kabataan, sisirain ka rin ng pamahalaan o ni Duterte mismo sa paggamit ng parusang ito.

At ang pagbitay ay posibleng gawin kahit pa sa harapan ng publiko na nagaganap simula noong panahon ni Kristo hanggang sa kasalukuyan.

TAONG BATAS AT KONSTITUSYON

Sa gitna ng lumiliyab na mga usaping paggamit ng kamatayan para maresolba ang isa o lahat ng mga matitinding problema sa droga, krimen at korapsyon o pandarambong, lumalabas ang pagiging masunurin sa batas at Konstitusyon si Mayor President Digong.

Para sa kanya, hindi dapat pairalin ang walang habas na pamamaslang kundi idaan lahat sa mga umiiral na batas at Konstitusyon, kabilang na ang pag-uusig sa mga hukuman.

Paliwanag niya, kung lumaban ang isang wanted sa batas at malagay sa panganib ang buhay ng mga taong pamahalaan na umaaresto sa kanya, dito na maaaring magkamatayan.

Maaaring ma-wanted ka sa batas sa bisa ng warrant of arrest mula sa isang hukuman, o sa ilalim ng mga kondisyon sa warrantless arrest o sa pagiging target ng “hot pursuit” operation.

Dapat na walang kinikilingan o binebeybi ang batas at Konstitusyon, maging ang mediamen.

Ibig-sabihin niyan, pupwede kang mabilanggo, kahit mediaman ka, at pupwede ka ring mabitay sa pagkakasangkot mo sa mga karumal-dumal na krimen.

KAILANGAN ANG PAG-UNAWA

May mga pumapalag nga kay Mayor President Duterte dahil sa nabibitiwan nitong mga salita at mga panukalang gawin, batas at Konstitusyon.

Kapag paghiwa-hiwalayin mo ang mga ito at hindi ilagay sa kabuuan at tamang pag-unawa, riyan lumalabas ang mga kontrobersya.

At ang kanya-kanyang interes ang mamamayani.

Kapag nangyari ito, sa kangkungan pupulutin ang ating mga sarili.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>