HANGGANG sa kahuli-hulihang sandali, napatunayan ng 16th Congress na inutil at bigo itong itaguyod ang interes ng taumbayan.
Sa huling araw ng sesyon, isinantabi ng Kongreso ang pagkakataong isulong ang pag-override sa veto ni Noynoy Aquino sa P2,000 increase sa Social Security System pension ng 2.15-million retirees.
Nag-motion si Deputy Minority Leader and Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na pagbotohan ang pag-override ngunit hinadlangan ito ni House Speaker Sonny Belmonte at kanyang mga alipores.
Patunay lang ito na huwad ang pangangatawan ng kapulungan at nagsilbing stamp pad lamang ng mga kapritso ng papanaw na Pangulong Benigno Aquino III.
Wala talagang malasakit itong mga alipores ni Ngoyngoy sa 16th Congress.
Ang titigas ng mga mukha!
Hindi man lang nila inisip na hindi na nakabubuhay ang pensyon ng mga senior citizen na SSS members na ngayo’y wala nang pinagkakakitaan.
‘Di bale, history na ngayon ang tutang Kongreso.
Hala, sige layas kayong mga walang-silbi at may araw rin kayo!!
Nangako si Colmenares na itutulak ng Bayan Muna Party-list ang panukalang batas sa susunod na Kapulungan at sa pagpasok ng administrasyong Rody Duterte bilang 16th President ng Republika sa July 1st. May pag-asa na!
***
Welcome po ang inyong reaksyon, opinyon at reklamo. I-email lang po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin n’yo kami sa Erwin Tulfo TV5 Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO
