Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DOTC VS DITC

$
0
0

PAPALABAS na ang rehimeng Aquino sa Malacañang. Halos 6 na taon, walang silang nagawa. Isang buwan na lang, biglang sumipag si Don Benigno Aquino III (BSA3) at walang-habas na pumipirma ng mga bagong batas katulad ng pagbuo ng isang bagong ahensiya – ang Department of Information Technology and Communications (DITC).

Sa unang tingin ay maganda dahil ang layon ng DITC ay bantayan ang problemadong telekomunikasyon sa bansa. Kaya lang may problema na kabuntot ang bagong ahensiya.

Papaano at sino ngayon ang may karapatan sa pamamahala ng telekomunikasyon? Mayroon na tayong Department of Transportation and Communication (DOTC) na pinakapayong ng lahat na ahensiya ng komunikasyon at telekomunikasyon ng pamahalaan.

Nandiyan ang National Telecommunications Commission (NTC), Bureau of Communication Services (BCS) at iba pa, sino ang direktang hepe ng mga ito? Mukhang sa halip na makatulong ang bago na nilagdaang ahensiya ni Aquino ay magdulot ito ng konting eskrimahan sa pagitan ng dalawang kagawaran – DOTC at DITC.

Aalis na lang kasi, gusto pa umepal, eh. Bakit hindi na lang niya hinayaan ang papasok na adminsitrasyon ni incoming PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE? Noon pa kasi ay isinisigaw na natin ang pagkakaroon ng hiwalay na ahensiya and DOTC – transportasyon lang ang dapat at buuin ang sariling ahensiya ng telekomunikasyon.

Sobra ang lawak ng sakop at kapangyarihan ng DOTC. Maliban sa NTC, hawak nito ang matiwaling LTFRB, LTO, shipping at airlines agencies.
Sana nga ay maisaayos lahat ito ni MAYOR DIGONG para madali ang pagtukoy ng programa ng kanyang administrasyon.

Anyway, malaki ang gagampanan na papel ng bagong Kalihim ng DOTC. Unahin ang pagkwestiyon o posibleng pagpapasara sa mga private communication and internet providers.

Masyado nang dinaraya ng mga sakim na negosyante sa telekomunikasyon ang mga subscriber at mamamayan.

Nagbabayad ng tama, madalas sobra pa ang mga cellphone owner/user. Marami sa mga prepaid user ang nagsusumbong na kaka-load lang nila at hindi pa man nagagamit ay nauubos na ang load.

Ang mga postpaid user naman, hindi malaman kung ano ‘yung mga dagdag na singilin ng mga service provider!

Ngayon, sino ang sino sa dalawang ahensiya ang may karapatan at may sakop sa mga kaharap na problema ng mamamayan? Kanino sila lalapit?
Sino ang may hawak at may kapangyarihan, partikular sa problema ng telekomunikasyon?

Hay naku, pwede ba, Noynoy, tumigil ka na sa kapipirma? Hindi mo iniisip ang kontradiksyon na nabubuo, eh. Manahimik ka na lang. Umuwi ka na lang! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>