Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FILIPINO–CHINESE FRIENDSHIP DAY

$
0
0

SIMULA noong taong 2002 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 148 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinagdiriwang natin tuwing June 9 ang natatanging araw ng pagkakaibigan ng mga Filipino at Tsino. Ito ang araw kung saan pormal na nagkaroon ng diplomatikong relasyon ang dalawang bansa noong 1975.

Kasaysayan na ang magpapatunay na bago pa dumating ang mga Kastila sa ating kalupaan noong 1521 ay mayroon nang barter trading sa pagitan ng mga sinaunang Filipino at mga Tsino. Sinasabing naitala ang unang interaksyon sa pagitan ng dalawang lahi noong taong 982 A.D.

Kapwa dumanas ng mababang pagtingin buhat sa mga Kastila ang mga Filipino na tinawag na indio habang taong madilaw ang bansag sa mga tsino, at pareho silang hindi nabibigyan ng atensyong medikal at edukasyon. Maraming mga Filipino at Tsino ang namamatay noon na hindi natitingnan ng isang dalubhasa.

Ito ang dahilan kung bakit naisipan ni Capitan Don Carlos Palanca na itatag ang Chinese Guild noong 1891 na kalauna’y naging Philippine Chinese Charitable Association, Inc. (PCCAI) na siyang nagpapatakbo ng kilalang medical institution na Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) na nasa F. Blumentritt Road, Sta. Cruz, Maynila.

TSINOY:

Hindi maikakaila ang malawak na impluwensiya ng mga Tsino sa ating mga Filipino.

Alam n’yo bang batay sa pagtataya, 27% ng populasyon ng Pilipinas ay may dugong Tsino kabilang ang inyong lingkod na tinatawag bilang mga Tsinoy o kombinasyon ng Tsino at Filipino.

Katunayan, nasa Binondo, Cebu at Davao City ang ilan lamang sa malalaking Chinese community sa bansa kung saan hanggang sa kasalukuyan ay buhay na buhay pa rin ang maraming sinaunang Chinese traditions lalo na pagdating sa suwerte at malas o ang feng shui.

RP-CHINA @ 41:

Sa kasalukuyan, ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at China ay tumaas ng 14% hanggang 17.49%. Maging sa palitan ng kaalaman, sining at kultura ay naging mabunga ang relasyon ng dalawang bansa sa nakalipas na mahigit apat na dekada.

Noon ngang 2008 Beijing Olympics ay isa sa mga inimbitahan bilang opisyal na panauhin si dating Pangulong Arroyo, pagkilala ito sa espesyal na pagtingin ng pamahalaan ng China.

SOUTH CHINA SEA DISPUTE:

Bagama’t may mga inaangking isla ang Pilipinas sa Spratly Islands (Kalayaan Islands) sa South China Sea (West Philippine Sea) na ayon sa 9-dash claim ng China ay kanilang lahat na pag-aari, nito lamang taong 2012 naging mas tensiyonado at kumplikado ang relasyon ng dalawang bansa.

Nag-ugat ito sa ‘stand-off’ na naganap noong April 2012 sa may Panatag Shoal (Scarborough Shoal) na malapit sa Zambales. Naging dahilan ito ng paghahain ng kaso ng Pilipinas sa international arbitration court kaugnay ng United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS).

Mukhang may naaaninag na pagbuti muli sa relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng papasok na Duterte presidency. Matapos mag-courtesy call sa Davao City si Chinese Ambassador Zhao Jianhua kay President-elect Rodrigo R. Duterte ay nakapangisda na muli ang Filipino fishermen sa Panatag Shoal.

Sabi nga ng mga eksperto sa kasaysayan, hindi kayang sirain ng usapin sa South China Sea ang daang-daang taon ng pagkakaibigan ng Pilipinas at China. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>