Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI DIGONG, ANG DROGA AT ANG LIBING NI MARCOS

$
0
0

SI Rodrigo “Digong” Duterte ang pinakapopular at malakas na Pangulo ng Pilipinas sa kasaysayan ng bansa.

Ang pinakahuli ay si Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang ama ni Senador Bongbong Marcos.

Milyon-milyong Filipino ang bumoto kay Digong, kaya maituturing na landslide ang kanyang panalo nitong nakaraang eleksyon.

Maituturing ding “protest vote” ang tagumpay ni Digong dahil sa laki ng botong nakuha niya kumpara sa pinakamalapit niyang nakalaban na si Mar Roxas na ang layunin ay ituloy ang palpak na ‘tuwid na daan’ ng kasalukuyang administrasyon.

Nakita ng publiko na si Digong ang magtitiyak na magaganap ang kanilang kagustuhang mabago ang Pilipinas mula sa mala-Pacific Ocean na mga suliraning ginawa ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pangunahin na ang malaganap na droga na nakasira na sa kinabukasan ng milyon-milyong kabataan at mga pamilyang Filipino.

Ngunit, hindi pinagtuunan ng pansin ni Aquino kahit na napakalinaw pa sa sikat ng araw na pinagkakakitaan na lamang ito ng mga 35 opisyal ng pamahalaan at ilang heneral sa Philippine National Police.

Idiniin at inulit-ulit ni Digong sa kanyang kampanya na tatapusin niya ang droga sa loob ng anim na buwan kung siya ang maging Pangulo ng bansa.

Ngayon, sa pormal na pag-upo ni Digong bilang bagong Pangulo, asahan nang tutuparin niya ang kanyang mga pangako lalo na ang pagsugpo sa droga. At tiyak na pagtatagumpayan niya ito kung lahat ay susuporta kay Digong.

Siyempre, hindi nakalimutan ni Digong ang kanyang pangako na papayagan na niyang mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Idiniin ni Digong na kaila-ngang mailibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani bilang dating sundalo ng bansa at paggalang sa dating Pangulo ng Pilipinas.

Alam ni Digong na dahil sa usaping ito, patuloy na nagkakahati-hati ang bayan, kaya kumbinsidong-kumbinsido siyang mahalagang usapin ang paglilibing kay Marcos.

Ililibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Setyembre. Gusto ni Digong na tapusin na ang kontrobersiya sa usaping ito.

Alam ni Digong na ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ang tuluyang tatapos sa matagal nang pagkakahati ng mga Filipino.

Aminin natin ang katotohanan na hanggang ngayon, higit 30 taon makalipas na mapatalsik sa poder sa estado si Marcos ay napakarami pa ring kumikilala at nagmamahal kay Marcos mula sa iba’t ibang sektor ng lipunang Filipino.

Ultimong si Jose Ma. Sison, ang tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines ay hindi tutol sa pagpapalibing kay Marcos sa “Libingan,” kaya wala akong nakikitang dahilan upang kontrahin at pagkunutan pa ito ng noo ninoman sa atin.

Kung tutuusin, hindi ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ang problema ng Pilipinas.

Ngunit, mahigit 30-taon nang ginawang isyu ng mga pulahan at dilawang puwersa sa lipunan.

Ang mga suliranin at isyu ng Pilipinas ay ang talamak at malaganap na droga, kahirapan, kagutuman, korapsyon, kakapusan ng regular na trabaho, mababang sahod, kontraktuwalisasyon at iba pa.

Kaya, dapat suportahahan natin ang administrasyong Duterte upang magtagumpay ito patungo sa tunay na pagbabago. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>