Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CPP-NDF, MILF, MNLF, ETC.

$
0
0

DEAR COMRADES. With the entry of the new administration, by incoming PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE, we, your brother Filipinos hope that you will all collectively join his call for total peace process.

No more ifs and buts please. CHANGE NOW!

Mahaba na ang panahon na isinulong ang digmaang bayan laban sa mga nagmalabis na administrasyon.

Alam nating lahat ang kanilang adyenda, gamitin ang usaping pangkapayapaan para lang sa kanilang sarili para manatili sa kanilang makapangyarihang estado ng pulitika.

Ngayon, heto na si KA DIGONG. Kayo mismo ay nagpahayag at nagbigay ng todo na pagsuporta sa kanyang kandidatura.

Wala na marahil dahilan na isulong pa ang digmaang bayan sa anomang sulok ng bansa.

Kayo ang tanging makapagsasabi sa inyong puwersa, sa inyong mga mandirigma at tauhan para ibaba na ang mga sandata at maupo tungo sa pagkakasundo.

At sana, sa oras ng pag-uusap, tayo-tayo, kayo-kayo na lang ang mamahala at huwag nang mag-imbita pa ng DAYUHAN para mamagitan.

Kaya naman nating gawin iyan, hindi ba?

FILIPINO para sa FILIPINO na lang.

Kayo na ang mamahala sa mga sakop ninyo na teritoryo at pangalagaan ang lahat na uri ng yaman ng INANG KALIKASAN. Huwag hayaang masira alinman, bagkus, dagdagan natin ang mga kulang.

Halimbawa, ang pagkalbo ng mga politiko bilang iligal na logger sa ating mga bundok. Taniman natin muli sa tulong ng mamamayan. Mayaman tayo sa mina.

Mismong ang pinakamataas na manunuri sa pagmimina ay nagsabi na ang Pilipinas ay nakaupo sa trilyon-trilyon na halaga ng yaman mula sa ating INANG KALIKASAN.

Huwag nating hayaan na mawala ito sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat ng mga dayuhang minero.

Kaya natin iyan!

Hindi na kaya ng mga Filipino ang dagdag na gulo sa bansa natin. Alam ko na ayaw niyo rin ng gulo.

Panahon na mga KOMRAD sa CPP-NDF, MILF at MNLF para magtulungan tayo sa muling pagbungkal ng bansa natin tungo sa maunlad na lipunang FILIPINO.

Kayo na ang magsilbing awtoridad ng kaayusan sa inyong teritoryo.

Naniniwala akong walang tutol bagkus ay masisiyahan ang PANGULONG RODY kapag nagkaganyan.

PILIPINAS para sa mga FILIPINO, una sa lahat.

Sa inyong mga kamay nakasalalay ang magandang bukas ng bansa natin. Huwag na tayong magdalawang isip pa.

KAPAYAPAAN para sa lahat.

Huwag na tayong manghingi ng mga imposibleng hiling sa pamahalaan. Ilatag ang inyong sariling programa-de-gobyerno at pag-usapan nang maayos.

Sana lamang, huwag humingi ng mga imposibleng patakaran.

KAPAYAPAAN, ngayon na! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>