Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA SALSALERO!

$
0
0

NAKATUTUWA ang magtrabaho sa media. May extra power sa lahat ng bagay. Hindi pwedeng hulihin kahit minamaneho ay bawal sa ilalim ng MMDA number coding.

Nakaliliko at nakapaparada sa bawal dahil may ikokober daw. Kadalasan, nalilibre sa pagkain kapag nakita ng mga politiko o opisyal kaya ng bayan.

May mga pagkakataon din, kapag nagpalamig sa mga bar, libre pa rin. Isang tawag lang ni Hepe, ayos na, “on-the-house” na. Ibig-sabihin laklakin man lahat ang inumin at pulutan, libre, walang bayad.

Ang media ay tinawag na “Fourth Estate” dahil sa kakaibang kapangyarihan nito. They can make Presidents and they can topple them as well.

Marami nga tayong kilalang pulis eh, biglang naging Heneral dahil sa rami ng praise releases niya. May kapalit, alam niyo na!

But, sabi nga, change is coming. Okay na ‘yung mga nagdaan pero ngayon, sa bagong liderato na darating, mukhang mabubura na lahat ang huwisyo at bisyo, hindi lang ng mamamayan kundi ng mediaman.

Hindi na lingid sa atin ang ginawang BOYKOT ni Pangulong RODY DUTERTE. Nauna na siya dahil sa pangungulit at pagbabanta ng ilang kapwa media.

Kung hindi ba naman saksakan ng buwisit ang mga dayuhang media, nakisawsaw na, nanawagan pa ng BOYKOT? Sila ‘yung Reporters Without Borders daw.

Duda ko, ang grupong iyan ay may ugnay sa CIA ng imperyalistang Amerika. Nagsusulsol sila ng gulo sa pagitan ng mamamayan o media laban sa isang rehimen.

Kapag nangyari nga naman, papasok ang CIA na kunwari ay mamamagitan at sa huli, puro pabor na ang kapalit. May aklat tungkol sa mga media na pakawala ng CIA!

Noong nauna sa dalawang press conference ni KA DIGONG, medyo nakulitan na ‘yung mama. Sa pangalawa at huli bago siya nagboykot, todong kulitan na.

Sa nauna kasi, kahit walang sinasabi si Mayor RODRIGO, ABA, ANG LUMABAS EH, “Duterte Endorses Media Killings!” SALSAL na balita iyan. ‘Yun bang mali at gusto lang gumawa ng walang kwentang istorya pero patungo sa gulo!

Marami pang balita na kahit walang kinalaman ang papasok at papaupong Pangulong ng Bansa, pilit siyang ikinakabit.

Katulad lang ng PhilippIne Daily Inquirer (PDI) nang ibuyangyang nila ang istorya, “ABU SAYYAF GROUP MOCKS DUTERTE!” Alin sa dalawa, sadyang tanga ang sumulat at nagtitulo o bahagi ng kanilang paninira kay PANGULONG DUTERTE.

Kung hindi ba naman SALSAL o KATANGAHAN ang balita ng PDI, sa July 1 pa mauupo si Mayor at ang dapat managot ay ang Pangulo nilang abnoy, si Aquino na masahol pa sa diktaduryang Marcos!

Maging mapanuri tayo at huwag maging biktima ng media na walang alam gawin kundi MAGSALSAL NG BALITA!!! Sila ang mga SALSALERO!!! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>