Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE BIBIGYANG-SOLUSYON ANG KAHIRAPAN

$
0
0

NAKAHANDA na ang plano at programa ni President-elect Rodrigo Duterte sa pagsisimula nito ng kanyang administrasyon at isa sa tututukan nito ay ang pagsugpo sa kahirapan na matagal na ring nararanasan ng ating mga kababayan.

Isa kasi sa pangako ni Duterte noong panahon ng kampanya ay ang pagbibigay ng maayos na programa para sa mahihirap nating kababayan nang sa gayon ay mabago na ang kabuhayan ng mga ito.

Kabilang sa mga palalawiging programa ang 4Ps na isa sa inaasahan ng mahihirap nating kababayan at iba pang proyekto tulad ng pagbibigay ng sapat na pagkakakitaan sa nagdarahop na pamilya.

Kabi-kabila rin ang programang ilalaan ni Duterte upang maibsan na ang nararanasang kahirapan ng mga Filipino.

Ang gagawing pagsugpo sa korapsyon sa gobyerno ay isa rin sa paraan ni Duterte upang mawakasan na ang kahirapan dahil sa halip na mapunta sa mga kababayan natin ang pera ng taumbayan ay sa ilang tiwali lamang ito napupunta.

Kapag may sapat na pagkakakitaan na ang mga naghihirap nating kababayan ay mababawasan na rin ang krimen sa bansa dahil hindi na maaaring ikatwiran ng ilan na kaya lamang sila nakapagnakaw ay upang may maipakain sa kanyang pamilya.

Kung inyong mapapansin, kahirapan ang puno’t dulo ng mga nangyayaring krimen sa bansa kaya kapag nabigyan na ng solusyon ni Duterte ang tungkol sa problemang ito ay malamang na mas magiging madali ang pagsugpo sa krimen.

Kailangan din sigurong makipagtulungan ang bawat isa sa atin upang masugpo ang kahirapan.

Hindi naman kasi uunlad ang kabuhayan natin kung iaasa lamang natin ito sa gobyerno.

Tulungan din natin ang ating mga sarili upang mapaunlad natin ang ating kabuhayan sa pamamagitan ng pagiging masipag at malikhain.

Ito ang nakikita nating solusyon upang mabawasan na o tuluyang mawala ang mga mahihirap nating kababayan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>