Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAG-INGAT SA VICTORY LINER

$
0
0

LUBOS po ang pagmamalasakit ko sa mga mananakay na umuuwi sa mga probinsiya.

Kaya, tahasan akong nanawagan sa inyo na mag-ingat kung sasakay kayo ng Victory Liner, dahil ang 17 yunit nito ay sinuspinde ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) nang 30 araw o isang buwan dahil sa pagkamatay ng limang pasahero at malubhang pagkasugat ng 30 iba pa dulot ng aksidenteng kinasangkutan ng isang yunit habang bumibiyahe sa San Jose, Nueva Ecija.

Nagpa-wiggle-wiggle pa raw ang drayber, banggit ng mga saksi sa LTFRB. Hindi kaya, naka-shabu?

Naitanong ko ito dahil sa mga nakalipas na panahon ay lumilitaw na naka-shabu ang mga drayber ng bus, kaya naaaksidente ang minamanehong bus.

Ang suspensyon ay tamang desisyon ng LTFRB na pinamumunuan ni Atty. Martin Delgra III. Ngunit hindi lang dapat 30 araw, sapagkat hindi sapat ang 30 araw na kabawasan sa kita ng Victory Liner bilang kabayaran ng hustisyang nararapat makamit ng mga pamilya ng limang namatay at 30 nasugatan.

Wasto ring ipinakuha at inilagay sa pangangalaga ng LTFRB ang mga plaka ng 17 yunit upang hindi makabiyahe ang mga ito.

Dapat ganyan kabilis palagi ang aksyon upang mapahupa ang sakit at hinagpis na nararamdaman ng bawat pamilya ng mga biktima.

SUMUKO KAY MAYOR

TATLUMPONG tulak at adik sa shabu ang nagsipagsuko kay Mayor Oscar Malapitan nitong nakaraang Lunes at Martes.

Sa 30, 10 tulak at adik sa shabu ang galing ng Brgy. 23. Dalawampu naman ang nagmula sa Brgy. 35 na sinamahan pa ni Brgy. Chairman Rogelio Madali sa kanilang pagsuko kay Mayor Malapitan.

Hindi sila ipakukulong ni Mayor Malapitan kundi tutulungan silang magbago upang tuluyang makalaya sa pagkalango sa ipinagbabawal na gamot.

ANG KILABOT NA MONEY SALVACION PAGADOR NG QC

SI Money Salvacion Pagador ay taga-Quezon City Hall.

Ang banggit ng mga kaibigan natin sa Quezon City Hall, hindi nila alam kung empleyado ito o hindi sa pamahalaang lokal ng lungsod.

Sumusulpot lang daw kasi ang Money Salvacion Pagador na ito tuwing mayroong press conference si Mayor Herbert Bautista.

Ang trabaho ni Money ay namimigay ng P500 sa ilang dyarista, kabilang ang mga hao shiao na reporter, upang tiyaking pogi ang balitang lalabas tungkol kay Herbert.

Tarantadong kalakaran ‘yan!

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: sulongbade@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>