MALAWAK na paglilinis ng mga lansangan at kalsada ang nangyayari sa Lungsod ng Maynila. Biglang luminis at lumuwag ang Recto Ave. sa gawi ng Divisoria at itong huli ay sa Blumenttrit. Totohanan na kaya ito?
Pambansang islogan ni Manila City Mayor Joseph ERAP Estrada ang bugbog na salita, ang MASA. Ito ang nagdala sa kanya hanggang pagka-Pangulo na naudlot. Nagbalik siya sa pulitika bilang alkalde ng Maynila. Nanalo at nanalo uli.
Ito na kaya ang bagong mukha ni Mayor ERAP? Mabubuo niya kaya ang isang magandang legacy o pamana sa Maynila? Magagawa ba niyang ibalik ang dating mukha ng Maynila na sentro noon ng kalakalan ng bansa at pasyalan ng mga personalidad dahil sa luwag at linis ng bawat kalye at kalsada?
Sana nga. Suportado natin siya kung aayusin niya ang magulong lungsod ng Maynila, lalo na sa Port Area, Delpan, North Harbor, Tondo at paligid ng Smokey Mountain. Siyempre, sa lahat ng sulok ng minsan ay makinang na lungsod!
Panahon na talaga para gawin ang magandang programa ng kalinisan at disiplina. Sana ay matulungan si Mayor Erap ng ibang mga ahensya ng pamahalaan para bigyan ng relokasyon ang mga nakatira sa mga maralitang lugar, iskwater, tulay, estero at sa mga sidewalk tuwing gabi.
Hindi lang dapat sa teritoryo ni Mayor Estrada mangyari ang ganitong uri ng paglilinis at pagpapaluwag ng mga kalsada at lansangan.
Buong Metro Manila mayors ay dapat sundin o gayahin si ERAP. Malinis nga ang Maynila, paglabas mo naman sa kalapit lungsod ay masikip at marumi, balewala rin!
Bilang dating Pangulo, pwedeng pangunahan ni Mayor ERAP ang paglilinis sa buong Metro Manila. Kailangan ang kolektibong aksyon at kooperasyon dahil masyado na tayong dumurumi sa lahat halos ng komunidad.
Kailangan ni Mayor ang tulong ng DSWD, HUDCC, NHA at mga kaugnay na ahensya para malutas nang lubusan ang problema ng kahirapan. Maaaring sa isang lupa ng gobyerno ang gawin na relokasyon at bibigyan sila ng kabuhayan.
Halimbawa ay ang pagtatayo ng green house na magsisilbing tree, plant at vegetable nurseries. Ang mga maralita ang gagawa niyon at ibebenta sa merkado.
Kung hindi man ay bibigyan sila ng trabaho para sa malawakan na reforestation program sa mga nakalbong bundok na malapit lang sa Metro Manila. Kayang-kaya na gawin ito. Pagtulungan sana ng lahat na sangkot na LGUs at ahensya ng pamahalaan.
Kapag ginawa mo iyan, MAYOR ERAP, isang maganda at matibay na pamana sa bayan at mamamayan ang iyong maiiwan sa MASA!Sa Dallas sa Amerika ay limang pulis ang napatay ng isang sniper sa gitna ng isinasagawang protesta hinggil sa ginawang pagpatay ng mga awtoridad sa dalawang African-American.
Kaugnay ito ng diskriminasyon ng mga puti sa mga itim. Napatay ang sniper na napag-alamang isang black American.
Ganti umano niya ang pagpatay isa-isa sa mga pulis dahil sa ginawang pagpaslang sa kanyang mga kakulay. BALETODO/ED VERZOLA