Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KIKIL COP GINAWANG HANAPBUHAY ANG PANGINGIKIL

$
0
0

MAY pulis na laging nangingikil sa mga UV Express at iba pang pampasaherong sasakyan at walang ginagawa ito kundi ang mangotong umano sa mga bumibiyaheng papuntang Parang SSS, Montalban at Marikina.

Kailangan na raw na matigil ang ganitong sistema ng mga pulis na walang humpay sa pangingikil sa mga naghahanapbuhay nang parehas.

Basahin natin ang reklamo laban sa pulis na ito.

Dear Mr.Juan de Sabog, may reklamo lang po ako tungkol sa isang pulis na ‘peke’ na may pangalang Francis mula sa Police Station-7 sa Cubao, Quezon City.

Barker siya sa Gateway ng UV Express para sa Parang at SSS Marikina ngunit nangingikil.

‘Di po ba bawal ‘yan?

Palagi siyang nanghihingi ng lagay sa mga nagtatawag na caller o barker ng FX o UV Express papuntang Parang, SSS sa Marikina at Montalban. Kada araw ay P150 ang singil nito sa bawat barker at nasa 50 katao po ‘yan.

Sa mga nagtatawag po riyan, mapa-jeep at UV Express, may ‘bata-bata’ siya na isang Jerome na walang pinagkaiba sa kanya na nangingikil din sa mga driver ng UV at nagpapakilala pa ito na taga-PEDEA na pulis daw siya.

Ilang taon na nilang ginagawa ‘yan, lalo na ‘yung Jerome na panay ang paningil lalo na sa mga driver na may biyaheng Marikina sa Gateway Mall, Aurora, Cubao.

Sana, Mr. De Sabog, ay makulong na ang mga taong ito. Masyado na kasing abusado at matagal na ‘yang ganyang maling gawain nila.

Pati Security Starline ay nakikisama sa Jerome na ‘yan para lang hindi sila gambalain ng gagong ‘yan.

Si Pang. Rodrigo DUTERTE na ang Pangulo natin pero patuloy pa rin ang pangingikil ng mga ito nang walang takot sa batas sa mga kaawa-awang driver.

Sir, hindi ito biro, araw-araw silang ganyan. ‘Di ba bawal ‘yan?

SANGKATUTAK NA GL HINDI MAGIBA NI PD

Hayagan na talaga ang opesyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) ng mga operator na sina alyas Romel sa Majayjay, alyas Onad sa Liliw, Obet sa Nagcarlan, Roly Dizon sa Pagsanjan at Ebnar Amante sa San Pablo na pawang nasa lalawigan ng Laguna.

Ang pinagtatakhan ko lang, bakit maging ang bagong upong regional director na si Director Valfrie Tabian ay hindi kumikilos upang mapatigil ang halos ilang dekada na ring pag-o-operate ng bookies ng mga ito.

Maging si Laguna Provincial Director (PD) S/Supt. Joel Pernito ay nakatunganga lang na tila nag-aantay ng lagay. Hehehe.

oOo
Anomang puna o reklamo ay i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>