Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALA NANG SAYSAY ANG SHABU ESTE…DAMO

$
0
0

MASAKITAN na ang kampanya ng administrasyon ni Tatay Digong laban sa kalakalan ng iligal na droga sa ating bansa.

Kaya marapat lang na ayudahan ni Tatay Digong ang iba pang sektor ng lipunan na katuwang tiyak ng pulis sa walang humpay na operasyon nito kontra droga.

Ang sabi-sabi kasi mga huntahan ay mapipilitan nang lumaban nang tunay ang mga taong nasa likod ng iligal na kalakalan na ito dahil sa sunud-sunod na pagpatay sa kanilang hanay.

Dito na magsisimula ang tunay na giyera ni PNP chief General Ronald dela Rosa na ‘let’s get it on’ dahil bala sa bala… ngipin sa ngipin ang isusukli ng mga drug pusher, drug dealer at mga protektor nito.

Kung gayon ay paano na ang mga sibilyan na nagbibigay ng impormasyon sa mga pulis sa kani-kanilang barangay? Paano naman masisiguro ni Tatay Digong ang kaligtasan ng mga opisyal ng barangay na kaagapay ng pulis?

Wala nang saysay ang damo kung patay na ang kabayo! Kung ang mga pulis na nga ay nagsusukbit pa ng mga matataas na kalibre ng baril aba’y dapat lang na mayroon din ang mga katuwang nila sa kampanya na ito laban sa droga.

# # #

WALANG NANG GOBYERNO SA DALOY NG TRAPIKO

Lintek na sa sikip ng daloy ng trapiko ang nararanasan ng ating mga kababayan pero hindi naman natin ito pwedeng isisi sa administrasyon ni Tatay Digong dahil noon pa naman ito.

Pero sana naman ay bigyan ito ng masigabong pansin dahil talagang hindi na biro ang nangyayari sa ating mga lansangan kahit doon sa mga siyudad sa mga malalayong rehiyon tulad ng Cebu.

Sa Metro Manila naman ay tila magkakaiba ng tinatawag na ‘frequency’ ang mga sangay ng gobyerno kabilang na ang Maynilad at Manila Water sa pagsasagawa ng mga hukay at pagkumpuni ng lansangan.

Kahit saan ibaling ang sasakyan upang umiwas sa masikip na daloy ng trapiko ay nagiging masikip pa rin dahil sa kaliwa’t kanang hukay sa lansangan na nagsimula pa noong panahon ni PNoy.

Ang nakasusura pa ay ang kapos na kaalaman ng karamihan sa mga traffic enforcer na wala yatang ibang alam kundi kumaway sa lansangan kahit kitang-kita na nilang baradong-barado na ang daloy.

Tatay Digong… pwede bang ipatupad muna ang ‘ODD-EVEN SCHEME’? Ito ang naiisip kong mabilis na paraan upang lumuwag agad ang daloy ng trapiko habang nag-iisip pa ng pangmatagalan na solusyon ang ating gobyerno.

***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>