INAANTABAYAN ang paglalagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na magpapatupad ng Freedom of Information (FOI).
Iigting ang transparency at accountability sa gobyerno dahil magkaroon ng access ang publiko, partikular na ang mass media, sa mga transaksyon na ginugugulan ng pondong bayan.
Mas madaling mapanagot ang mga tiwali na nagkukunwang lingkod-bayan!
Isa pang napakahalagang hakbang na isasagawa ni Duterte ay ang pagbubuo ng “super task force” na mag-iimbestiga at tutulong para makamtan ang katarungan ng pinapaslang na mga mamamahayag.
Iyan ang inanunsyo ng ating kaibigan na si Communications Secretary Martin Andanar ukol sa administrative order na nakatakda ring pirmahan ng Pangulo.
Naniniwala akong tapat ang layunin ni Duterte na magkaroon ng hustisya ang media killings, partikular na ang 2009 Maguindanao massacre. 32 sa 57 kabuuang bilang ng victims ay media members.
Nangako ang dating administrasyon na isusulong ang hustisya sa kasong ito ngunit ang pangako ay nanatiling ngakngak lamang!!!
Hindi dapat hayaang patuloy na nilulumot ang mga kaso ng pagpatay sa mga journalist.
Hinding-hindi mababaon sa limot ang karumal-dumal na krimen na tulad ng Maguindanao massacre.
Natunghayan ng buong mundo kung paano kinatay ang mga walang kalaban-laban na biktima ng election-related violence noong 2009.
Sana’y magkaroon ng saysay itong pagbuo ng “super task force” sa media killings. At sana’y itong pangako ni Pang. Duterte ay hindi super-ngakngak lamang!!!
***
Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. I-email lamang po sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin nyo kami sa Erwin Tulfo Action Center sa 2nd Floor, Quedsa Plaza, Quezon Ave. cor. EDSA, Quezon City, 9am-4pm Monday-Friday. DEADSHOT/ERWIN TULFO