Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IYON NA TALAGA ANG ESTILO

$
0
0

JOKE joke…tapos ay magiging seryoso itong si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address o SONA nitong nakalipas na araw ng Lunes.

May mga pagkakataon na punung-puno ng emosyon ang kanyang pahayag subalit matapos naman ay kabyo-biro si Tatay Digong kaya hindi nainip ang mga nakikinig sa kanya dahil sa katatawa.

Matatawa ka naman talaga pero ika nga e…may laman ang kanyang sinasabi. May punto ang kanyang argumento kahit idinaan nito sa pagpapatawa ang kanyang naiisin para sa taumbayan.

Ito marahil ang dahilan kaya noong una’y sinasabi na ng kanyang kampo na darating din ang panahon na maiintidihan at makikilala ng taumbayan si Tatay Digong gaya ng pagkakakilala sa kanya ng mga taga-Davao City.

Tanda ko pa nang ilang beses umani ng batikos itong si Tatay Digong mula sa hanay ng mga mamamahayag at ilan pang sektor gaya ng simbahang Katolika dahil sa mga matatalim na pahayag nito.

Pero iyon talaga ang ating bagong Pangulo. Harungas man ang dating subalit ito’y hindi sumasalamin sa kanyang tunay na katauhan. Harungas marahil sa mga kriminal pero maamong tupa sa mga masunurin sa batas.

Noong una’y akala siguro marahil ng ilan nating kababayan na walang galang sa kababaihan itong si Tatay Digong subalit nagkamali sila nang tao, propesyunal at magalang nitong tinanggap si Vice President Leni Robredo.

Bagaman alam naman ng lahat ang nagbabantang banggaan ni Tatay Digong at Senador Leila de Lima aba’y nagulat ang marami nang mismong ang Pangulo ang nagbukas ng palad para sa Senador.

Kinamayan ng Pangulo itong Sen. De Lima nang masalubong niya ito sa Kongreso bago magsimula ang SONA. Hindi ito inakala ng marami dahil alam natin na matigas sa isip, pananalita at gawa itong si Duterte.

Kaunting panahon na lang ay makikilala nang tuluyan ang tunay na ugali ng bagong Pangulo. Isang propesyunal subalit pwede natin mabiro sa mga huntahan basta’t ‘wag ka lang kabilang sa kalakalan ng iligal na droga.

Isa nang kasaysayan ang unang SONA ni Pangulong Duterte! Seryoso at pormal subalit mayroon din biruan na tila tayo’y nasa isang comedy bar.
Payak ang mga kasuotan at walang bangayan ng pulis at militante.

***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>