UMPISA sa Hulyo 28 -Hulyo 29, isinasagawa ang “Annual Information Campaign” ng National Water Resources Board (NWRB) sa Baguio City.
NWRB ang pangunahing ahensiya na responsable sa mapagkukunan ng tubig sa buong bansa. Ang mga naimbitahan na kalahok ay magmumula sa kalapit na rehiyon, Region I , II, III at Cordillera Administrative Region (CAR).
Kasabay sa ANNUAL INFORMATION CAMPAIGN, tumatanggap ang NWRB ng aplikasyon para sa Water Permit and Certificate of Public Convenience sa Hotel Elizabeth. Sa mga interesadong mag-aplay ng permit at certificate, hindi na nila kailangang maglakbay mula sa kanilang lalawigan patungo sa NWRB central office, Quezon City. Ang mga aplikasyon ay madaling maipadala sa kanilang lugar.
Ang pagtanggap ng aplikasyon para sa WP at CPC sa iba’t ibang rehiyon ay isang mahusay na paraan ng NWRB para maabot ang kanilang serbisyo sa mamamayang Pilipino.
Ang Water Permit (WP) ay isang dokumento na ibinibigay ng NWRB, kung saan ipinagkaloob ang karapatan sa paggamit ng tubig at mapagkukunan ng tubig mula sa ibabaw o lupa (right to appropriate and use water from surface or ground water resources).
Ang Certificate of Public Convenience (CPC) ay isang pormal na kasulatan na may kapangyarihan na maaaring nilang maipatakbo at mapanatili ang isang sistema ng tubig na may bayad.
Sa mga aplikante na interesado mag-aplay, kinakailangan dalhin ang COMPLETE DOCUMENTARY REQUIREMENTS sa Hotel Elizabeth, 1 J. Felipe Street, Baguio City, Benguet mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Hulyo 28-29, 2016.
“Application for Water Permit costs P7,200.00 and P10,000.00 for the Certificate of Public Convenience. For the complete list of WP and CPC application requirements, please log on to www.nwrb.gov.ph or call (632) 928-2365 and (632) 920-2641.”
MAHALAGANG PAALALA: ang aplikante na may dalang “COMPLETE DOCUMENTARY REQUIREMENTS” ang maaaring tanggapin ng NWRB. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG
